News Releases

English | Tagalog

Viewers, kinikilig sa Tagalized Thai series na “Come to Me” sa iWant

August 12, 2020 AT 03 : 42 PM

Netizens expressed their ‘kilig’ over the lead actors and excitement for the upcoming episodes on social media. It also earned praises for its unconventional love story and superb dubbing in Filipino.

Bumuhos ang kilig at excitement online para sa pinakabagong Tagalized Thai series na “Come To Me” tampok sina Singto Prachaya at Ohm Payat, na ipinalabas na sa iWant kamakailan. 

 

Umiikot ang “Come To Me” sa malungkot na multong si Mes (Singto), na makikilala ang batang si Thun. Sa paglipas ng ilang taon, babalik si Thun (Ohm) upang iuwi si Mes sa kanyang tahanan upang tulungan ito makatawid sa kabilang buhay. Sa pangako ni Thun na hahanapin nila ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Mes, malalapit ang loob ng dalawa, at unting-unti mahuhulog para sa isa’t isa.   

 

Habang napapanood na ang unang apat na episodes ng serye sa iWant, tuloy-tuloy rin ang mga post sa social media tungkol sa mga eksena, na kinagigiliwan dahil sa pag-dub nito sa Filipino at sa kakaibang love story nito.   

  

“Watching Come To Me on iWant and posible bang kinikilig ako sa multo? Bakit 4 episodes pa lang to,”ani @citybuoy sa Twitter.   

  

“Guys, you're not gonna miss this new series on iWant. The series is 'Come To Me' starring Singto Prachaya and Ohm Pawat. Tagalog dub siya, kaya for me, madali ko siya maintindihan yung kwento. Now streaming four episodes!,” post ng Twitter user na si @Laban_Kapamilya.    

  

“Matatawa, maiiyak at kikiligin kayo sa Come to me kahit sa simula pa lang, kaya arat na at ulitin natin ang kwento ni Thun and Mes. Thank you so much @DreamscapePH and @iwant,” sabi ni @prachayambacroj sa Twitter.   

  

“Wow! Another great story with great performance by the actors. The dubbing is excellent. Thank you acquisition team for bringing this series. You are always the best #ABSCBN,” ang tweet naman ni @CWinrad.   

  

May ilang fans din na ikinatuwa ang kantang “Weed” ng former “Idol Philippines” finalist na si Miguel Odron bilang theme song sa Pilipinas ng serye.    

 

Abangan ang natitirang apat na episodes na mapapanood na sa Sabado (Agosto 15) sa iWant.  

 

Libreng mapapanood ang Tagalized version ng “Come To Me” sa iWant app (iOs at Android) o iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE