News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, umabot na sa 10M ang subscribers

August 18, 2020 AT 10 : 56 AM

ABS-CBN solidifies its digital transformation with another milestone as ABS-CBN News reaches 10 million subscribers on YouTube.

Nangungunang Filipino news channel sa YouTube
 

Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa digital pagkatapos umani ng ABS-CBN News ng sampung milyong subscribers sa YouTube.

Ang ABS-CBN News ang Filipino news channel na may pinakamaraming subscribers sa nasabing plataporma, kung saan nila-livestream ang news programs na “TV Patrol” at “The World Tonight,” pati na rin ang ilan sa mga palabas ng TeleRadyo at ABS-CBN Current Affairs, at mga ekslusibong video ng kanilang digital brand na NXT. 

Sa ika-sampung taon nang paghahatid ng balita at impormasyon sa mga Pilipino sa buong mundo ng ABS-CBN News sa YouTube, nakakamit na ito ng anim na bilyong views, ika-lima sa pinakamarami batay sa mga manonood sa Pilpinas ayon sa analytics firm na Social Blade.

Para sa agarang balita tungkol sa iba’t ibang pangyayari sa bansa at sa mundo, pinagkakatiwalaan din ng mga Pilipino ang social media accounts ng ABS-CBN News kung saan mayroon itong 18 milyong likes at 20 milyong followers sa Facebook, pitong milyong followers sa Twitter, at 1.7 milyong followers sa Instagram. Dito rin ibinabahagi ang mga mahahalagang kwento mula sa news.abs-cbn.com at patrol.ph.

Sa kabila ng pagtigil ng broadcast operations at hindi pagrenew sa prangkisa ng ABS-CBN, hindi tumitigil ang paghahatid ng serbisyo ng ABS-CBN News para sa mamamayang Pilipino. Patuloy ang paglilingkod nito online sa pagpapalabas ng “TV Patrol” at “The World Tonight” sa ABS-CBN News YouTube at Facebook page, at sa iWant, at maging sa cable channels na ANC, TeleRadyo, at Kapamilya Channel.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter, at Instagram o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.