These ventures are part of ABS-CBN's services to Filipino families affected by the denial of its broadcasting franchise by the House of Representatives.
Tuluyan nang ititigil ngayong Agosto 31 ang operasyon ng Studio Tours, ABS-CBN Store, Hado Pilipinas, Heroes Burger, at ABS-CBN Studio Experience na nagbigay pagkakataon sa libo-libong manonood na maranasang maging bahagi ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN.
Kasama ito sa mga serbisyo sa pamilyang Pilipino na apektado matapos tanggihan ng Kongreso na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN noong Hulyo 10.
Isa ang Studio Tours sa in-demand service sa loob ng ABS-CBN compound na nagsimula noong 1997 at ngayon ay tuluyang titigil na sa operasyon. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nagsagawa ito ng educational tours at ipinasyal din ng ABS-CBN tour guides ang mga manonood sa loob ng studios kung saan nasisilip nila ang mga eksklusibong eksena sa produksyon ng iba’t ibang programa ng network.
Magsasara na ang ABS-CBN Store na naghatid ng saya sa Kapamilya fans sa mga nagdaang taon dahil sa iba’t ibang program, celebrity at network merchandise nito, kabilang na ang popular na ABS-CBN Christmas Station ID shirts.
Tuluyan na rin ang pagsasara ng kaisa-isang studio city sa bansa na matatagpuan as TriNoma, ang ABS-CBN Studio Experience, pagkatapos ng dalawang taon ng paghahatid-saya sa pamilyang Pilipino. Tampok sa indoor theme park ang iba’t ibang physical attactions at digital innovations, tulad na lamang ng It’s Showtime Directors’ Booth, Pinoy Big Brother: Breakout, Minute To Win It: The Experience, The Voice: Open Mic, at Kapamilya Theater.
Nagsimula rin dalawang taon pa lang ang nakakalipas at ngayon ay magsasara na ang Heroes Burger na isang organic chargrilled burger joint.
Hindi na rin magpapatuloy ang Hado Pilipinas pagkatapos ng isang taon ng pagpapakilala sa techno sport hango sa Japan. Naging bahagi ito ng NCAA 95
th Season kung saan ang nagwaging team mula sa College of St. Benilde (CSB) ang kumatawan sa bansa sa 2019 Hado World Cup na ginanap sa Tokyo.
Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.