“Team YeY” won the “Most Development-Oriented Children's Program” award at the #Gandingan2020: The 14th UPLB Isko't Iska's Multi-media Awards for its creative way of teaching kids life skills and lessons through fun games and activities.
Itinanghal ang “Team YeY” na "Most Development-Oriented Children's Program” sa #Gandingan2020: The 14th UPLB Isko't Iska's Multi-media Awards para sa malikhain at nakakaenganyong mga paraan ng pagbabahagi ng aral at kasanayan sa kabataang Pinoy.
Araw-araw, tampok dito ang iba't-ibang skills at interests ng mga bata, kasama na ang performing arts, pag-awit, malikhaing paghahanda ng snacks, storytelling, arts and crafts, at larong bahay.
Ayon kay YeY Channel Head Danie Sedilla-Cruz, patok sa kabataang manonood ang mga batang hostsna nagpapakita ng mga kasanayang ipinalalabas sa Team YeY araw-araw.
“Pakiramdam namin mas naging madali yung pagbabahagi ng mga kaalaman sa mga bata kasi bata rin ang nagpapaliwanag sa kanila. Dahil mga bata ang hosts namin, parang nakahanap din sila ng kaibigan at kalaro na laging nandyan para samahan sila,"saad pa niya.
Mapapanood ang “Team YeY” sa YeY YouTube channel at sa iWant. Meron din Team YeY exclusives sa ating YeY Facebook page.
Kinilala sa ika-14 na taon ng Gandingan Awards ang mga media programs at personalidad na nagpamalas ng development-oriented campaigns at nagpapatibay ng community broadcasting.
Para sa mga iba pang impormasyon, maaaring i-follow lamang ang @YeYChannel sa Facebook YeY Channel sa YouTube at www.ychannel.com.