News Releases

English | Tagalog

Kapamilya games at toys, mas magpapasaya sa mga tahanan

August 07, 2020 AT 11 : 47 AM

Inspired ng mga programang “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Starla”

Mararanasan ng fans ang mundo ng mga paborito nilang palabas gamit ang web-based games at mobile apps kasabay ng pagpapalakas ng ABS-CBN ng presensya nito online sa paglulunsad nito ng Kapamilya Online Live.

Pwedeng pasukin ng mga magulang at anak nila ang mundo ni Cardo habang naglalaro ng online game na “FPJ’s Ang Probinsyano Hideout,” kung saan magpa-patrolya sila ng mga kalsada ng Metro Manila at lalabanan ang mga kaaway gamit ang mga sandata at power-ups sa fpjapgame.com/hideout, matapos manood ng episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa YouTube o Facebook.

Pwede ring mag-bonding kasama ang pamilya sa paglalaro ng mobile apps na “FPJ’s Ang Probinsyano” at “FJP’s Ang Probinsyano: Rescue Mission,” na mada-download mula sa Google Play Store.

Para sa mga batang mahihilig sa collectibles, pwedeng bumili ng “FPJ’s Ang Probinsyano” para gisingin ang kanilang katapangan at kagitingan. Siguradong mae-enjoy ng mga batang idol si Kuya Cardo ang mga tau-tauhan at sasakyang pang-militar na pwede nilang laruin sa bahay.

Sa mga naghahanap naman ng mahigpit na yakap Kapamilya, pwedeng ipanregalo sa sarili o sa minamahal ang unan ng "Starla." Pwede ring ibigay sa mga bata ang mga Starla night light at light stick at siguradong matutuwa ang pamilya na laruin ang web-based game sa starlagames.com.

Mabibili ang “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Starla” items sa ABS-CBN Store sa Shoppee Mall at sa mga nangungunang toy stores sa bansa. Para sa updates, sundan ang The ABS-CBN Store sa Facebook (www.facebook.com/abscbnstore), Twitter (@abscbnstore), a Instagram (@abscbnstore).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE