Handa nang magpasaya at mangharana sa fans!
Maghahatid ng kakaibang musical experience ang Box Office King na si Daniel Padilla sa kauna-unahan niyang virtual concert na pinamagatang "Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience."
Mula sa produksyon ng Star Events ng ABS-CBN at ng production house ni Daniel na Johnny Moonlight, eksklusibong mapapanood ang "Apollo" sa KTX.ph sa darating na Oktubre 11 (Linggo).
Magbabalik-tanaw si Daniel sa kanyang matagumpay na journey bilang singer at performer sa “Apollo” sa pamamagitan ng pag-awit sa mga pinasikat niyang kanta, paboritong classics, at iba pa habang inaalala ang una niyang “Daniel: Live!” concert noong 2013 hanggang sa matagumpay na “D4” concert na ginanap noong 2018.
Sasamahan ang “Mabagal” singer ng Jose Carlito band na pangungunahan ng front man nito at kanyang kapatid na si JC Padilla.
Ang "Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience" ang una sa mga parating na exclusive concerts na handog ng Star Events sa pagsisikap nitong maghatid sa mga Kapamilya ng malakihang musical shows online kasama ang mga paboritong performers kapalit ng live events.
Ang nasabing concert ay bahagi ng bagong digital offerings ng ABS-CBN para sa mga Kapamilyang hinahanap-hanap ang libangan na hatid ng network. Ito ay kasunod ng successful launch ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook para maabot ang mas marami Pilipino.
Ilan naman sa mga naging matagumpay na KTX digital events ang "Hello Stranger: Finale Fancon," "New Normal" ni Jed Madela, "Tayo Hanggang Dulo" ng JaMill at K “20k20" ni K Brosas.
Bisitahin ang ktx.ph para sa tickets as inaabangang “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience.” Sa halagang P499 lamang, maari nang mapanood ng mga Kapamilya ang maagang pamaskong handog ng aktor. Para sa updates, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).