Select Kapamilya shows, movies, and UAAP games this September
Libreng mga pelikula, hit shows, at action-packed sports games ang handog na regalo ng ABS-CBN para sa Pinoy online viewers ngayong quarantine dahil linggo-linggong ipapalabas ang mga ito sa Youtube Super Stream sa buong buwan ng Setyembre.
Mula Setyembre 6 hanggang 12, mae-enjoy ang performances nina Moira dela Torre, Angeline Quinto, Morissette sa “In Studio 1s” at “PLAYBACK,” at ni Jake Zyrus sa “Artist Music Room. Pwede ring sunud-sunurin ang panonood ng movies na “Jologs,” “Amorosa,” at “Love Unlock,” at episodes ng “Love Thy Woman” at iWant originals na “Unlisted” at “Find the Wasabi in Nagoya.”
Mababalikan naman ng sports fans ang ilan sa mga nakakatindig-balahibong laro mula sa UAAP Basketball Season 82 at UAAP Volleyball Season 81, habang mas makikilala naman ang mga atleta sa kani-kanilang kwento ng pinanggalingan, araw-araw na buhay, at mga tagumpay sa “UAAP G.O.A.T.” at “Dayories.”
Sa linggo ng Setyembre 13 hanggang 19, mapapanood ang ilang pelikula ng Star Cinema na “Once a Princess” at “Bromance: My Brother’s Romans,” supercut versions ng “Just The 3 of Us” nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado at “Can We Still Be Friends” nina Gerald Anderson at Arci Munoz, pati na episodes ng “Paano Kita Mapasasalamatan,” “Iba ‘Yan,” “Playhouse,” at iWant original na “The End.”
Muli ring matutunghayan ang ilan sa minahal na Kapamilya classics mula Setyembre 19 hanggang 26, kasama na ang sitcoms na “Home Along Da Riles” at “Palibhasa Lalake,” teen drama na “Tabing Ilog,” at mga fantaseryeng “La Luna Sangre,” “Kampanerang Kuba, at “Spirits.”
Buong Setyembre naman mapapanood ng fans ang kani-kanilang favorite stars at love teams sa ABS-CBN digital talk shows na “I Feel U,” I Feel U More,” at “We Rise Together” sa mga playlist ng YouTube Super Stream.
Hawak ng ABS-CBN ang pinakapopular na YouTube channels sa bansa, gaya ng ABS-CBN Entertainment, ang pinakapinapanood na Filipino channel sa platform na mayroong 29.2 milyong subscribers at 38.1 bilyong views. Kasama rin sa top channels ng ABS-CBN ang ABS-CBN News (10.1 milyong subscribers at 6.4 bilyong views), Star Music (5.5 milyong subsribers at 2.2 bilyong views), at Star Cinema (tatlong milyong subscribers at isang bilyong views).
Isa ang ABS-CBN sa media partners ng YouTube para sa Super Stream, na maaaring ma-access dito.
Panoorin ang lahat ng ito at marami pa sa YouTube Super Stream hanggang September 26. Para sa updates, i-like ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.