News Releases

English | Tagalog

Bagong boys' love tandem, magpapakilig sa Thai series na "A Tale of Thousand Stars" sa iWantTFC

January 20, 2021 AT 01 : 51 PM

The series will be streaming for free in the Philippines as it also simulcasts in Thailand.

Dalawang puso ang pagtatagpuin ng isang hiling sa pinakabagong Thai series na handog ng iWantTFC sa Pinoy boys’ love fans, ang “A Tale of Thousand Stars,” na mapapanood na nang libre sa Pilipinas kasabay ng pagpapalabas nito sa Thailand simula Enero 29.

 

Tampok ang bagong team-up ng Thai stars na sina Earth Pirapat and Mix Sahaphap, mapapanood ang “A Tale of Thousand Stars” sa iWantTFC kada Biyernes sa Filipino-dubbed version nito tuwing 9:30 PM at original Thai version na may English subtitles pagsapit ng 10:30 PM.

 

Magsisimula ang love story sa isang trahedyang tatapos ng buhay ng babaeng si Torfun, ngunit madudugtungan ang kwento ng kanyang puso dahil mapupunta ito kay Tian (Mix) sa pamamagitan ng isang heart transplant.

 

Dahil sa isang diary na naiwan ni Torfun, lalong makikilala ni Tian ang babaeng unang nagmay-ari ng kanyang puso pati na ang mga sikreto at pangarap nito sa buhay. Isa sa mga madidiskubre niya ay ang hiling ni Torfun na makapagbilang ng isang libong bituin kasama si Phupha (Earth), isang forest ranger, sa malayong nayon sa kabundukan.

 

Dahil sa labis na pasasalamat para sa pangalawang buhay na naibigay sa kanya, susundan ni Tian ang mga yapak ni Torfun at magiging isang volunteer teacher din.

 

Makikilala ni Tian si Phupha at susubuking mapalapit dito kahit na masungit ito sa kanya. Kahit na hindi maganda ang simula ng kanilang pagkakaibigan, lalalim at tatamis naman ito dahil magsisimulang tumibok ang puso ni Tian para kay Phupha, gaya ng unang nagmay-ari nito.

 

Matupad kaya ni Tian ang hiling ni Torfun?

  

Para masubaybayan ang sampung episodes ng “A Tale of Thousand Stars,” mag-register na sa iWantTFC at mag-download ng app nito (iOs at Android) o mag-log in sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

 

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.