The Valentine’s Day concert will be streaming simultaneously on digital platforms ktx.ph, iWanttFC, and TFC IPTV.
‘Full concert experience’ hatid ng Songbird sa inaabangang show
Excited na si Regine Velasquez na dalhin ang kanyang Pinoy fans mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa kakaibang date night na hatid ng “Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert,” kung saan inaasahan ang pag-awit ng Songbird ng bagong repertoire sa darating na Pebrero 14 (Linggo).
“Marami sa mga kakantahin ko sa concert ay malayo sa comfort zone ko. Gusto ko talagang sorpresahin at ma-satisfy ang audience sa ‘Freedom’ concert,” ani Regine.
Mapapanood ang Valentine’s Day concert sa buong mundo sa pamamagitan ng ktx.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.
Ayon sa Kapamilya artist, magkakaroon daw ito ng full concert setup na may live band at backup singers at dancers. Binanggit din niya na may espesyal na bisita na siguradong sosorpresa sa mga manonood.
Maraming kahulugan ang titulo ng concert para sa Songbird. “Dahil sa nangyaring pandemya, parang gusto nating maging malaya lahat. Personally, I wanted to do something else at magkaroon ng freedom na awitin anuman ang gusto ko,” pagbabahagi niya.
Mula sa ABS-CBN Events, IME, at PLDT ang “Freedom” concert na nasa ilalim ng stage direction ni Paolo Valenciano at musical direction ni Raul Mitra.
Sold out agad ang VIP tickets para sa concert 12 oras pa lamang simula nang ilabas ito, pero mabibili ang tickets para sa general admission sa halagang Php 1,200 (24.99 USD) sa ktx.ph at malapit na ring maging available sa iWantTFC.
Ipagdiwang ang Araw ng mga Puso kasama si Regine sa “Freedom” digital concert na mapapanood sa ktx.ph, TFC IPTV, at iWantTFC ngayong Pebrero 14 (Linggo), 8pm (Manila time).