News Releases

English | Tagalog

Pinoy slang na “Sakalam,” may ibang kahulugan para kay Gigi

October 11, 2021 AT 06 : 03 PM

Pinakabagong pop rock diva ng ABS-CBN, naglunsad na ng debut single!
 
Binigyan ng bagong kahulugan ni Gigi de Lana ang Pinoy slang na “Sakalam” sa debut single niya na ini-release ng Star Music.
 
Power rock ballad ang “Sakalam” na tungkol sa pighati ng isang tao na hindi makabitaw sa karelasyon na nagbago na ang nararamdaman para sa kanya. Kabaligtaran ito ng salitang “malakas” na mas nagpapatindi ng lungkot na ipinaparating ng kanta.
 

“Habang kinakanta ko 'yung ‘Sakalam,’ nasasaktan ako. Nilalagay ko 'yung sarili ko sa song kasi gusto kong kantahin na punong-puno ng soul. Sobrang nakaka-relate kasi sa mga pinagdaanan ko rin sa buhay,” kwento ni Gigi.   
 
May mensahe rin siya sa listeners na nakakaranas ng matinding heartbreak. Aniya, “Even though ‘sakalam’ talaga siya, pansamantala lang ‘yang nararamdaman mo. Itong song na ito, hindi lang tungkol sa heartbreak. May binibigay din itong positive vibes.”

 
Bukod sa pagiging kauna-unahang original song ng pinakabagong pop rock diva at tinaguriang breakthrough star ng 2021, ang “Sakalam” din ang unang single sa kanyang debut full-length album na ire-release sa 2022. Sa ngayon, nasa top spot ng Fresh Finds playlist ng Spotify Philippines ang kanta.
 
Ini-record ng Star Magic artist at RISE Artists Studio talent ang “Sakalam” kasama ang mga miyembro ng The Gigi Vibes band na sina Jon Cruz, Jake Manalo, LA Arquero, at Romeo Marquez. Isinulat at kinompose ito ni Romeo kasama si Erwin Lacsa, habang si Jon naman ang nag-areglo nga kanta. Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo naman ang producer nito.
 
Nito lang Agosto, inanunsyo ni Gigi ang marami sa mga nakalinya niyang proyekto para sa 2021, kasama na ang pagiging bahagi niya sa Filipino music festival na “1MX Dubai” at ang pag-headline niya sa sarili niyang “YouTube Music Night” digital concert na parehong gaganapin sa Disyembre.
 
Damhin ang “Sakalam” na sakit at pakinggan ang debut single ni Gigi sa iba’t ibang digital music platforms. Mapapanood na rin ang music video ng kanta sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE