News Releases

English | Tagalog

Sheryn gustong magpasabog ng pag-ibig at pag-asa sa digital concert na “Love United”

October 15, 2021 AT 07 : 07 PM

Kasama ang guests na sina EZ Mil, Froilan Canlas, TNT Boys, at iba pa
 
Handa nang magpasiklab ang Kapamilya singer na si Sheryn Regis sa kauna-unahan niyang digital concert na “Love United,” na mapapanood sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV sa Oktubre 23 (Sabado) at re-run nito kinabukasan (Oktubre 24).
 
Ibibida ng ‘Crystal Voice of Asia’ sa enggrandeng musical event ang mga pagtatanghal na magpapakita ng pagmamahal, pag-asa, at healing.
 
“Maganda kasi mag-express ng songs na inspirational these days, like, you can give hope and love through a song. So the viewers can receive healing from the songs that we're going to perform as well,” aniya sa isang MYXclusive interview.
 
Pag-amin ni Sheryn na nagbalik showbiz ngayong taon sa pamamagitan ng mga kantang “Tulad ng Dati” at “Gusto Ko Nang Bumitaw,” challenge na hindi makaharap ang kanyang audience, pero nangako rin siya na magiging ispesyal pa rin ang experience ng mga manonood ng concert.
 
“Gusto kong i-assure na mafe-feel nila gaano mag-work ang mga puso namin through our singing, ma-feel nila na nasa harap lang nila kami. Na iba ito from just watching us on TV,” dagdag niya. "Digitally dadalhin ko kayo sa isang concert stage."
 
Makakasama ni Sheryn sa concert ang mga guests niya na pinangungunahan ng viral sensation na si EZ Mil, Pinoy pop-rapper na si H-BOM, child singing prodigy na si Kaela Francheska, dating “Tawag ng Tanghalan” finalist na si Froilan Canlas, at ang vocal trio na TNT boys kasama sina Francis Concepcion, Keifer Sanchez, at Mackie Empuerto.
 
Ang “Love United” ay handog ng ABS-CBN Events at ipinrodyus ng MAK Entertainment. Pwede nang bumili ng ticket sa concert online sa halagang P899/USD17.99 (regular) at P1,4999/USD 30 (VIP na may kasamang access sa digital after party).
 
Damhin ang paghilom kasama si Sheryn sa “Love United,” na mapapanood 8PM PhST sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV sa Oktubre 23 (Sabado) at may re-run 10AM PhST kinabukasan (October 24). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE