The iconic educational programs of Knowledge Channel are now available again in Mega Manila, Baguio, Naga, Metro Cebu, Iloilo, Davao, and Zamboanga to aid young Filipinos in their distance learning education this pandemic. Viewers can access Knowledge Channelvia BEAM DTT by simply doing a channel rescan on any digital TV box.
Bilang pagdiriwang sa taunang World Teachers' Day
Mas maraming estudyante, guro, at mga magulang ang makapanonood ng mga kalidad na educational program dahil magbabalik na ang Knowledge Channel sa digital TV simula Martes (Oktubre 5) sa partnership nito sa BEAM.
Kasabay ng pagdiriwang ng World Teacher's Day, mapapanood na sa Mega Manila, Baguio, Naga, Metro Cebu, Iloilo, Davao, at Zamboanga ang mga programa ng Knowledge Channel na makakatulong sa pag-aaral ng kabataang Pilipino ngayong pandemya. Pindutin lang ang channel rescan sa kahit anong digital TV box para makapanood ng Knowledge Channel sa BEAM DTT.
Kinikilala bilang "biggest classroom on-air" ang Knowledge Channel, na maabot na ngayon ang mahigit sa 10 milyong kabahayan hatid ang 1,500 video lessons mula Kinder hanggang Grade 10, pati na sa Alternative Learning System (ALS) at mga programa kasama ang tulad nina Robi Domingo, Enchong Dee at MayMay Entrata, at online educators Lyqa Maravilla at Peter Esperanza sa digital, cable, at direct-to-home satellite TV.
Patuloy pa rin ito sa paghahatid ng mga kalidad na programa ng Knowledge Channel sa mga mag-aaral ngayong bagong school year.
Mapapanood ang mga educational program nito sa Knowledge Channel araw-araw mula 6 AM hanggang 11 PM sa digital, cable, and direct-to-home satellite TV, habang palabas din ang mga video lesson nito para sa Grade 1 hanggang 6 sa A2Z mula Lunes hanggang Biyernes, 7–9 ng umaga. Makapanonood din ang mga preschooler, kasama ang kanilang mga magulang, ng masasayang video lessons nito nang libre sa theAsianparent Philippines app.
Maaari ring sumali ang mga estudyante at mga guro sa interactive livestream lessons ng School at Home tuwing 11 AM sa Kumu at Facebook Page ng Knowledge Channel. Kasama sa weekly lineup ang "Wikaharian Online World" tuwing Lunes, "Team Lyqa" kada Martes, "Knowledge on the Go" at "MathDali's Math Talks" tuwing Miyerkules, "Money Lessons with FQ Mom and Sons" kada Huwebes at "Art Smart with Teacher Precious" tuwing Biyernes.
Una nang tumugon ang Knowledge Channel sa kanselasyon ng face-to-face classes dulot ng pandemya sa kampanyang "Stay at Home, Learn at Home" noong nakaraang taon sa tulong ng ABS-CBN TVplus, SKYdirect, at SKYcable. Sinundan ito ng kampanyang "School at Home" sa Facebook at YouTube accounts nito nang maapektuhan ang reach ng Knowledge Channel dahil sa mga dagok sa prangkisa ng ABS-CBN.
Sa patuloy nitong pagtulong sa edukasyon ng mga kabataan sa online, nagtala ang official Facebook page nito ng mahigit sa 150,000 followers, nakatanggap din ng Silver Button award ang YouTube channel nito, at pinarangalan bilang Outstanding CSR Project in Education sa nagdaang 2021 League of Corporate Foundations CSR Guild Awards.
Bisitahin din ang
knowledgechannel.org para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel.