Natupad ang pangarap ni Ogie Alcasid na maging host ng 'It's Showtime" kahit pansamantala lang, nang i-welcome siya ng hosts ng programa noong Sabado (Okt. 2).
Inamin ni Ogie na matagal na niyang gustong makasali at makasama ang masayang grupo ng “It’s Showtime” at hindi lang umupo bilang hurado sa "Tawag ng Tanghalan."
“Kapag nandoon ako sa hurado, nabibitin ako. Gusto ko rin makipagsayawan," saad niya.
Aliw na aliw ang mga manonood dahil swak ang mga hirit, patawa, at istilo ni Ogie sa pagho-host sa mga kasamahan niya sa programa. Natuwa naman si Amy na hindi lang siya ang maituturing pinaka-senior sa mga host sa programa.
Ngunit sa "Madlang Pi-poll" portion, napansin ni Vhong na tila naninibago si Ogie dahil maraming senyales mula sa staff. Natawa na lang ni Ogie at sinabing, "Ang daming nangyayari. Nalilito ako. Ang daming ilaw. Sige lang, nagpapadala lang ako sa hangin.”
Gayunpaman, bumuhos pa rin ang magagandang papuri ng netizens sa pagho-host ni Ogie at hiniling na maging mainstay siya ng noontime show.
Tweet ni @Tanya1872, "#ShowtimeOctoBest sobrang tawang tawa ako kay Ogie Alcasid. Bagay siya sa showtime. Laughtrip kahit wala si Vice!"
Pahayag ni @yeahmaybeitsme, "Aliw naman ito si Mr. Ogie Alcasid sa Showtime. Gawin pong mainstay please! #ShowtimeOctobest."
"Favor ako na Gawing mainstay host si Ogie Alcasid sa Showtime nakakaaliw sya #ShowtimeOctobest," saad ni @iamjonlorenz.
Bukod naman sa hosting ni Ogie, tinutukan din ng viewers ang monthly finals ng "Reina ng Tahanan."
Hinirang ang Caviteñang si Lilia Alban bilang "Reina ng Tahanan" monthly winner matapos makakuha ng 93.7% mula sa combined scores ng mga hurado. Bilang Reinanay of the Month, nakapag-uwi si Nanay Lilia ng P30,000, sash, scepter, at amber crown.
Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.