We thank Kabayan for his decades of service in ABS-CBN News, where he led iconic shows and spearheaded public service efforts while also serving as a mentor to generations of broadcast journalists in the organization.
Ipinabatid na sa amin ng aming Kapamilyang si Noli “Kabayan” De Castro ang kanyang hangaring tumakbo sa darating na halalan sa 2022.
Nirerespeto ng ABS-CBN ang desisyon niyang ipagpatuloy ang paglilingkod niya sa bayan bilang isang opisyal ng gobyerno.
Alinsunod sa aming patakaran, kailangang bitiwan ni Kabayan ang mga programang “TV Patrol,” “Kabayan,” at “TeleRadyo Balita” kapag pormal na niyang inihain ang kanyang kandidatura.
Nagpapasalamat kami kay Kabayan sa kanyang serbisyo sa loob ng ilang dekada sa ABS-CBN News, kung saan naging malaking bahagi siya ng mga programang tumatak na sa kasaysayan at mga proyektong naghatid ng tulong sa publiko. Nagsilbi rin siyang gabay sa hene-henerasyon ng mamamahayag sa aming organisasyon.
Nandito pa rin ang “TV Patrol” dahil sa pundasyong binuo niya kasama ang iba pang tagapagbalita sa ABS-CBN News sa mga nagdaang taon, at mananatili itong matatag habang patuloy naming hinaharap at pinagtatagumpayan ang mga pagbabago ngayon at sa mga darating na panahon.
Maraming salamat, Kabayan!