News Releases

English | Tagalog

Paulo at Janine, nagkabalikan sa "Marry Me, Marry You"

November 18, 2021 AT 11 : 41 AM

What does Emilio have planned to ruin Andrei, Camille, and Elvie’s relationship? Will Paula sacrifice her own happiness for the sake of her daughter?

Sunshine, irereto ang anak kay Fino?

Napatawad na sa wakas ni Andrei (Paulo Avelino) ang inang si Elvie (Cherry Pie Picache) ngayong nagkabalikan na sila ni Camille (Janine Gutierrez) sa “Marry Me, Marry You” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Gustong patunayan ni Andrei ang pagmamahal niya para kay Camille kaya kusa na siyang nakikipag-ayos kay Elvie, na ninang din ni Camille. Lumambot na rin ang puso ni Andrei kay Elvie nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa mapait niyang nakaraan. Nakipagkasundo kasi si Elvie kay Emilio (Edu Manzano), ang ama ni Andrei, na iiwan niya si Andrei kay Emilio at ang kapalit nito ay babayaran ni Emilio ang panggagamot kay Andrei, na noo’y may malubhang sakit.

Dismayado naman si Emilio na nagkakamabutihan sina Andrei at Elvie kaya gagawin niya ang lahat upang lumayo ulit ang loob ng mag-ina sa isa’t isa.

Desidido na rin si Andrei na makaahon mula sa nalugi niyang kumpanya kaya muli niya itong patatakbuhin kasama si Camille. Ngunit wala na siyang balak isama ang best friend niyang si Cedric (Jake Ejercito) dahil sa ginawa nitong pagtatraydor sa kanya. 

Samantala, madudurog naman ang puso ni Paula (Sunshine Dizon) dahil malalaman na niyang natitipuhan din ng anak niyang si Koleene (Analain Salvador) ang mas bata niyang manliligaw na si Luke (Fino Herrera). Hindi alam ni Koleene ang namamagitan kina Paula at Luke kaya maiipit si Paula sa dalawa. 

Ano ang susunod na hakbang ni Emilio para sirain ang relasyon nina Emilio, Camille, at Elvie? Paninindigan kaya ni Paula ang pagmamahal niya para kay Luke?

Subaybayan ang “Marry Me, Marry You” gabi-gabi tuwing 8:40 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z.

Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang  “Marry Me, Marry You,” na nakasama sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.