Bumida ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan sa isang prominenteng billboard na makikita sa Times Square sa New York City.
“My heart is full. I don’t know what I did to deserve these people, achievements, and moments but I am grateful, Lord,” masayang mensahe ni KZ sa kanyang Instagram post tampok ang ilang larawan kasama na ang kuha mula sa Times Square para sa Spotify EQUAL Global Playlist. “When I find myself doubting the path and questioning my abilities, I will look at these photos to remember that Your plans are always greater than mine.”
Unang nakita noong Nobyembre 16, ang Spotify EQUAL feature ay nagtatampok sa female artists mula sa iba’t ibang bansa para mas makilala pa ang kanilang musika. Dahil sa bagong single ni KZ na “
11:59,” napiling cover artist ang Kapamilya artist para sa Spotify Philippines EQUAL playlist ngayong buwan ng Nobyembre.
Naging kabilang naman ang “
11:59” sa New Music Friday playlist ng Spotify sa 10 lugar. Kasama rito ang Malaysia, Singapore, Hong Kong, Indonesia, Taiwan, Vietnam, Thailand, Gulf, Korea, at Pilipinas. Itinampok din sa KZ bilang cover artist ng OPM Rising at ang kanyang kanta sa Tatak Pinoy playlist. Sa ngayon ay may 150,000 streams na ang awitin sa Spotify.
Ang Grammy-nominated producer na si Luigie “LUGO” Gonzalez ang sumulat ng kanta na may additional composition mula kay Traci Hale, America Jimenez at Dennis Matosky. Inirelease naman ito ng Tarsier Records sa pagpapatuloy ng ABS-CBN sa pagbibida ng galing ng Pinoy sa world stage.
Patuloy na pakinggan ang “
11:59” single ni KZ at panooring ang
music video nito sa Tarsier Records YouTube channel. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media @tarsierrecords.