It's another fresh world-class treat you shouldn't miss from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN
Bibigyang-pugay rin ng New Gen Birit singers ang karera ni Jonathan Manalo
Bibida ngayong Linggo (Nobyembre 21) ang mga new single pasabog nina Maymay Entrata, AC Bonifacio, at KZ, isang New Gen tribute para sa songwriter na si Jonathan Manalo, at marami pang iba sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Pakatutukan ang pagrampa nina Maymay at AC, tampok ang kani-kanilang bagong single na "Amakabogera" at "Fool No Mo!" na susundan din ng kantahan mula kina Erik Santos, Nyoy Volante, Jason Dy, with Lian Kyla, Marlo Mortel, SAB, Reiven Umali, Anthony Castillo, JM Yosures, Adrian Manibale, Sam Cruz, Angela Ken, Moira Lacambre, Sandino Martin, at iDolls sa "Star Magic Presents."
May inihanda muling sorpresa sa ASAP stage ang Asia's Soul Supreme na si KZ tampok ang bago niyang single na "11:59."
Hindi naman pahuhuli sina Kim Chiu, Janine Gutierrez, Sam Concepcion, Joao Constancia, Edward Barber, at ang buong "ASAP Natin 'To" family sa kanilang around the world treat.
Samantala, may madamdaming tribute namang inihanda ang New Gen Birit singers na sina Sheena Belarmino, Anthony Castillo, Lara Maigue, Reiven Umali, at Janine Berdin sa ika-20 na anibersaryo sa industriya ng Pinoy songwriter na si Jonathan Manalo.
Tuloy-tuloy pa rin ang kantahan sa pure energy performance ni Gary Valenciano kasabay sina Darren at Sam Concepcion, at ang senti Carpenters biritan nina Regine Velasquez, Moira dela Torre, at Zsa Zsa Padilla.
At maki-throwback sa '80s duets nina Darren, Morissette, Erik Santos, KZ, Ogie Alcasid, Nina, Zsa Zsa Padilla, Jason Dy, Jed Madela, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
Talagang todo-todo ang sayang hatid ng longest-running musical variety show sa bansaang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.