News Releases

English | Tagalog

Jon Guelas may hatid na bagong heartbreak anthem

November 02, 2021 AT 11 : 54 AM

Nagbabalik-tanaw ang Filipino-British singer-songwriter na si Jon Guelas sa mga posibilidad ng nakaraang relasyon sa kantang “Did I Let You Go,” na mapapakinggan na simula Biyernes (November 5).

Nagsimula ang bagong Tarsier Records artist ng kanyang singing career bilang contestant ng “The X Factor UK” taong 2018. Dito, naging bahagi siya ng boyband na “United Vibe,” na nagbigay pagkakataon para makapag-perform siya sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Simula nang lisanin niya ang grupo sa pagsisimula ng 2021, sumabak na si Jon bilang solo artist at naglunsad ng mga awiting “Wonderland” at “Out of Love.”

Ang honest-to-goodness song na “Did I Let You Go” ang unang proyekto niya sa ilalim ng Tarsier Records, isang record label ng ABS-CBN Music na naglalayong ibida ang tunog Pinoy sa buong mundo.

“The song was inspired by a breakup, thinking about a relationship I let just slip out of my hands. I try to write from an honest and real perspective and I guess, heartbreak is really where most of that comes from,” ani Jon.

“I’ve held onto this song for over a year now and I think it's finally time to let go and release it to the world,” dagdag pa niya.

Tinatayang susunod na heartbreak anthem ang “Did I Let You Go” tampok ang magandang boses ni Jon.

Abangan ang “Did I Let You Go” ni Jon na mapapakinggan na sa iba’t ibang digital platforms simula 12:01 am sa Biyernes (November 5). Mapapanood na rin ang music video nito sa Tarsier Records YouTube channel na ilulunsad din sa parehong araw. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts nito @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE