News Releases

English | Tagalog

“Baker Boys," bagong Thai BL series na magpapatamis sa iWantTFC linggo-linggo

November 25, 2021 AT 05 : 55 PM

Apat na naggagwapuhang Thai heartthrobs ang magpapakita ng tamis ng pagkakaibigan at pag-ibig sa pinakabagong Thai series na “Baker Boys” na libreng mapapanood sa iWantTFC simula ngayong linggo kasabay ng pag-ere nito sa Thailand.
 
Mapapanood sina Lee Thanat, Singto Prachaya, Pluem Purim, at Foei Patara sa bagong episodes na may English subtitles kada Miyerkules at Huwebes tuwing 9:30PM (Manila time) simula Nobyembre 24 at 25, habang available naman ang Filipino-dubbed episodes tuwing Martes at Miyerkules tuwing 8 PM simula Nobyembre 30 at Disyembre 1.
 
Gaganap ang apat na Thai stars bilang staff sa bagong Sweet Day Café, isang bakery na garantisadong nagpapasaya at nagpapakilig sa customers dahil sa malinamnam na desserts nito.
 
Pagmamay-ari ito ni Punn (Lee Thanat), ang unico hijo ng isang bilyonaryo na itinayo ang bakery kahit na ayaw niya sa matatamis. Sisikat naman ang bakery dahil kay chef Weir (Singto Prachaya), ang pinamagatang 'God of Pastry’ dahil binabalik-balikan ang mga panghimagas na bine-bake niya. Makakatulong ni Weir si Krathing (Pluem Purim), isang dating boxer at baguhang baker na namamasukan sa Sweet Day Café para matuto kay Weir. Nariyan din si Pooh (Foei Patara), ang personal na bodyguard ni Punn na magtatrabaho bilang waiter, ngunit hindi siya maaasahan sa parehong bagay.
 
Sa kabila ng pagdami ng customers ng bakery, yayanigin ng isang kababalaghan ang apat na baker boys sa pagdating ng reporter na si Monet (Jamie Juthapich), ang nag-iimbestiga sa biglaang pagkawala ng isang bata na misteryosong naglaho pagkatapos nitong pumunta sa Sweet Day Café.
 
Maiipit sina Punn, Weir, Krathing, at Pooh sa lumalaking kontrobersiya habang hinaharap nila ang maraming pagsubok sa kanilang negosyo, pagkakaibigan, at kani-kanilang love life.
 
Anong mga misteryo ang madidiskubre ni Jamie sa bakery? Sino ang may kagagawan ng pagkawala ng mga bata sa bakery?
 
Parang suki na ng iWantTFC ang isa sa mga bida na si Singto dahil ang “Baker Boys” ang ikatlong serye niyang napapanood sa streaming platform kasunod ng “Come To Me” at “I’m Tee, Me Too.” Samantala, ipinapalabas din nang libre sa iWantTFC ang ibang sikat na Thai BL titles gaya ng “Bad Buddy,” “2gether,” “Still 2gether,” “Theory of Love,” “Dark Blue Kiss,” “A Tale of Thousand Stars,” at “The Shipper.”
 
Mapapanood sa Pilipinas nang libre ang “Baker Boys” sa iWantTFC app at website (iwanttfc.com) tuwing Biyernes 9:30 PM. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
 
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.