News Releases

English | Tagalog

"TrabaHanap TV" kasama si KaladKaren, mapapanood na sa CineMo

November 04, 2021 AT 06 : 17 PM

Tune in to "TrabaHanap TV" every Sunday, 9 AM, on CineMo

Para magbigay ng trabaho sa mas nakararaming Pilipino

Patuloy ang TrabaHanap sa paglilingkod sa mas nakararaming Pilipinong naghahanap ng trabaho sa pagdala ng online show nito sa telebisyon bilang "TrabaHanap TV" kasama si KaladKaren sa CineMo.

Sa "TrabaHanap TV," mapapanood ng mga TrabaHunter (job-seeker) na limitado ang access sa internet ang mga bakanteng trabaho mula sa iba't ibang industriya sa pagtutok lang sa CineMo tuwing Linggo, 9 ng umaga.

Mapapanood din dito ang mga kinagiliwan nitong segment, tulad ng "TrabaHero," kung saan tinatampok ang mga successful applicant sa TrabaHanap.com; "TriviaHanap" na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon para mas madaling makakuha ng trabaho; "Top Jobs of the Week," kung saan makikita ang mga trabahong may pinakamataas na vacancy sa opisyal nitong website; at "TrabahaQuote" tampok ang mga career advice mula sa TrabaHanap fairy godmother na si KaladKaren.  

Maliban sa "TrabaHanap TV," makikita rin ang TrabaHanap listings sa ilang Kapamilya shows at platforms, tulad ng "TV Patrol" gabi-gabi, araw-araw sa TeleRadyo, "It's Showtime Online U" mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na 2 ng hapon, "Magandang Buhay" tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 9 ng umaga, at "Good Job" sa TeleRadyo kada Linggo, 9:30 ng umaga.

Pakatutukan ang "TrabaHanap TV" tuwing Linggo, 9 AM, sa CineMo na mapapanood sa SKYcable Ch.7, Cignal Ch. 43, GSat Ch. 13, at sa iba pang local cable TV operators nationwide.

Para sa iba pang job openings, maaaring tumungo sa TrabaHanap.com at doon i-upload ang kanilang mga resume. I-follow rin ang TrabaHanap sa Facebook (fb.com/trabahanapofficial) at Instagram (@trabahanap) para sa iba pang updates.

Para sa ilan pang ABS-CBN updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.