News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, alay ang "Andito Tayo Para Sa Isa't Isa" sa mga Pilipino ngayong Pasko

November 08, 2021 AT 08 : 44 PM

After one of the most challenging years for Filipinos, ABS-CBN offers a loving tribute to everyday heroes who continually give hope, strength, and inspiration to others, as the nation celebrates Christmas this 2021.

“2021 Christmas ID ng mga Pilipino,” ipapalabas ng ABS-CBN ngayong Biyernes

 

Sa isang taong puno ng pagsubok, isang awiting nagpupugay sa mga Pilipinong nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon ang alay ng ABS-CBN sa pagdiriwang ng Pasko ngayong 2021.

Nitong Lunes (Nobyembre 8) ng gabi, ipinarinig na ang “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa” na siyang tampok na kanta sa “2021 Christmas ID ng mga Pilipino,” na ilulunsad naman sa darating na Biyernes (Nobyembre 12) sa “TV Patrol.”

Kinukwento sa awitin kung paano nalampasan ng mga Pilipino ang sari-saring problema, kabilang ang pandemya, mga bagyo, pagbaha, pagsabog ng bulkan, at lindol, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, paghugot ng lakas sa isa’t isa, at pagkakaisa sa pag-ibig.

Tampok sa recording and lyric video na ipinalabas sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN sa cable at online sina Ogie Alcasid, BGYO, Kathryn Bernardo, Andrea Brillantes, Sharon Cuneta, Darren Espanto, Seth Fedelin, Sarah Geronimo, Belle Mariano, Martin Nievera, Daniel Padilla, Zsa Zsa Padilla, Donny Pangilinan, Inigo Pascual, Piolo Pascual, Erik Santos, KZ Tandingan, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, at Vice Ganda na nagbigay buhay sa kanta.

Sinulat ang lyrics ng “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa” nina Robert Labayen at Love Rose De Leon ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division kasama si Thyro Alfaro. Si Thyro at Xeric Tan naman ang lumikha ng musika. Si Maria Lourdes Parawan ng CCM ang nagsalin sa Ingles ng mga salita para sa video.

Ang CCM din, sa pangunguna nina Robert, Johnny Delos Santos, at ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes, ang nasa likod ng recording and lyric video at ng “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa: 2021 Christmas ID (CID) ng mga Pilipino.” Mapapanood sa CID ang mga kwento ng mga Pilipinong kapupulutan ng inspirasyon kasama ang iba pang mga bituin at personalidad na Kapamilya.

Narito ang mga bumubuo sa 2021 Christmas ID Creative and Production Team: overall head of production Sheryl Ramos, lyric video producer Edsel Misenas, producers Mark Angelo Bravo, Christian Faustino, Adrian Lim, Anna Charisse Perez, Revbrain Martin, Raywin Tome, Maria Lourdes Parawan, Love Rose De Leon, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Roda Baldonado, Lawrence Arvin Sibug, Mariah Krizaeda Quilao, Winter Delos Reyes, Franciesca Cruz, Diane Monique Olaivar, Jhoi Pelagio-Pablo, Kathrine Panganiban, JC Bautista, Maria Theresa Camille Brinquez, at CCM traffic and operations head, Tess Perez-Mendoza.

Bahagi naman ng ABS-CBN Christmas ID 2020 Lyric Video Editing Team sina lyric video main editor, Jaimee Jan Agonia, sa pangunguna nina Maria Concepcion Salire at Mark Gonzales, motion graphics artist Karlo Emmanuel Victoriano at logo design artists na sina Ian Santos at Raphael Laureta, graphic design team Regine Binuya-Bague, at kanilang head na si Alfie Landayan, audio post specialist Alvin Mendoza, at talent coordinator na si Winnie Mariano.

Samantala, maaari nang bumili ng limited edition “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa” Christmas shirts at face masks para sa pamilya at pang-regalo ngayong Pasko. Pumunta lang sa authorized partners na Shirts and Prints PH sa Facebook at E-commerce stores para sa Andito shirts, at InstaMug naman sa Facebook at Instagram para sa Andito Masks.

Panoorin ang “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa” recording at lyric video sa mga cable channel ng ABS-CBN tulad ng Kapamilya Channel at online sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel at iba pang digital platforms ng ABS-CBN. Abangan ang “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa: 2021 Christmas ID (CID) ng mga Pilipino” ngayong Biyernes (Nobyembre 12) sa “TV Patrol.”

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.