Humanda muli sa mga panibagong performance mula sa paborito ninyong Kapamilya idols, kabilang ang anniversary treat mula kay Enchong Dee, pa-birthday blowout ni AC Bonifacio, P-Pop collab ng BINI at BGYO, at marami pang iba ngayong Linggo (Disyembre 12) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Makihataw sa 15th showbiz anniversary celebration ni Enchong kasama sina Kyle Echarri, Jin Macapagal, Jeremy Glinoga, at Joao Constancia para sa kanilang NSYNC transformation sa "ASAP Transformation." Tuloy-tuloy ang selebrasyon sa birthday pasabog naman ng dancefloor hottie na si AC Bonifacio.
May inihanda muling pamaskong punong-puno ng kantahan at sayawan ang inyong "ASAP Natin 'To" family, kasama sina Janine Gutierrez, Francine Diaz, Seth Fedelin, Klarisse de Guzman, Janella Salvador, iDolls, Nyoy Volante, Jason Dy, Ronnie Alonte, at iba pa.
Huwag palampasin ang pa-aguinaldong P-Pop collab ng BINI and BGYO, habang magpapakilig din ang mga bida ng "Love is Color Blind" na sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Jeremiah Lisbo, at Angelina Cruz.
Paiinitin naman nina Loisa Andalio, Chie Filomeno, at Andrea Brillantes ang dance floor habang hindi rin pahuhuli sa sayawan si Maymay Entrata.
Maki-awit naman sa bigating kantahan ng mga paborito ninyong OPM star, tulad ng New-Gen Birit duets nina Jayda Avanzado, Sam Mangubat, Sheena Belarmino, JM Yosures, Lara Maigue, Anthony Castillo, Elha Nympha, at Reiven Umali; at ang inaabangang collab nina Gary Valenciano, Morissette, at Darren.
At hindi pa nagtatapos ang pamaskong hatid nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
Pakaabangan ang isa nanamang all-star party mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.