News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Digital at TeleRadyo, pinarangalan sa 2021 Platinum Stallion National Media Awards

December 10, 2021 AT 07 : 05 PM

ABS-CBN Digital Media led the Kapamilya winners after winning Digital Media Network of the Year while TeleRadyo was honored as Best Digital News Station.

Vice, Paulo, Toni, at Andrea, wagi para sa Trinitians
 
Patuloy na nadarama ng ABS-CBN ang pagmamahal ng Trinitians matapos tumanggap ng sari-saring parangal sa 2021 Platinum Stallion National Media Awards ng Trinity University of Asia (TUA) kamakailan lang.
 
Nanguna sa mga nagwaging Kapamilya ang ABS-CBN Digital Media na kinilala bilang Digital Media Network of the Year at TeleRadyo na tinanghal na Best Digital News Station.
 
“Ang award na ito ay para sa mga empleyado ng ABS-CBN, sa aming partners at higit sa lahat, sa lahat ng Kapamilya na nagpapaalala sa amin ng aming layunin at iyon ay maghatid ng serbisyo sa Pilipino,” sabi naman ng head of digital ng ABS-CBN na si Eugenio “Jamie” Lopez IV.
 
“Isa pong napakalaking karangalan na mapasama sa mga nagsipagwagi sa 2021 Platinum Stallion National Media Awards. Asahan po ninyong mas pagsisikapan pa ho namin, paghuhusayan po namin ang mga ginagawa po namin sa aming programa,” ika ni Noli “Kabayan” De Castro na siyang tumanggap ng award para sa TeleRadyo.
 
Pinili rin ng mga guro, estudyante, alumni, kawani, at iba pang miyembro ng komunidad ng TUA ang “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang Best Primetime Drama Series, ang “It’s Showtime” bilang Best Noontime Show, at “ASAP Natin ‘To” bilang Best Variety Show.
 
Umani rin ng parangal ang Kapamilya artists na sina Vice Ganda (Best Variety Show Host - It’s Showtime), Paulo Avelino (Best Drama Actor - Marry Me, Marry You), at Andrea Brillantes (Best Drama Actress – Huwag Kang Mangamba). Tinanghal ding Inspiring Social Media Influencer si Toni Gonzaga para sa kanyang mga proyekto sa ilalim ng Toni Gonzaga Studio.
 
Sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, na dahilan kung bakit hindi na ito napapanood sa TV at naririnig sa radyo sa dati nitong mga istasyon, hindi naman ito tumigil sa paghahatid sa mga Pilipino ng balita, impormasyon, at de kalidad na mga programa sa cable at digital, habang ang ibang programa rin nito ay napapanood na rin sa free TV sa A2Z at TV5.
 
Ito na ang ika-pitong taon ng Platinum Stallion National Media Awards na isinasagawa ng Media and Communication Department ng College of Arts, Sciences and Education ng TUA upang ipagdiwang ang kontribusyon ng mga indibidwal at grupo sa pag-educate sa publiko sa pamamagitan ng media at allied arts.
 
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.
 
 
-30-