News Releases

English | Tagalog

Troy Laureta naglabas ng "GILIW" album tampok sina Deborah Cox, Ruben Studdard, All-4-One atbp

December 10, 2021 AT 01 : 02 PM

The 13-track album, a follow up to Troy Laureta's "KAIBIGAN," consists of 13 OPM remakes by Filipino and non-Filipino collaborators.

Tito Boy, Jake, Jona, at Regine bahagi rin ng bagong album
 
Kabilang ang Grammy award-winning artists na sina Deborah Cox at All-4-One at “American Idol” season 2 winner Ruben Studdard sa bagong handog ng Fil-Am music director na si Troy Laureta na patuloy na ibinibida ang musikang Pinoy sa pamamagitan ng kanyang bagong album na “GILIW: A Troy Laureta OPM Collective Vol. 2.”
 
Inilabas isang taon pagkatapos ipakilala ang matagumpay na “KAIBIGAN” OPM collective, ang “GILIW” album ni Troy ay may 13 tracks kasama ang “Magkasuyo Buong Gabi” duet nina Deborah at Ruben at reimagined version ng “Laging Tapat” mula sa American singer na si Skylar Stecker. Bahagi rin nito ang male R&B at pop group All-4-One para sa kantang “Paano Ang Puso Ko.”
 
Nadagdagan pa ang American singers na sumubok umawit ng OPM kabilang na ang classical singer na si Fernando Varela para sa rendisyon niya ng “You Are My Song,” habang ang singer-songwriter na si Shoshana Bean ang nagbigay-buhay sa classic ballad na “Kailangan Ko’y Ikaw.” Tampok din si “Never Enough” singer Loren Allred na kinanta naman ang “Araw Gabi.”
 
Mapapakinggan din sa album si Boy Abunda para sa “Interlude: Pag-ibig” habang si Jona naman ang naghatid ng remake ng “Someone To Love Me.” Maririnig din dito ang “Intro: Kaibigan” na mula sa “The Voice Kids Philippines” season 4 contestant na si Adah.
 
Nagbabalik naman ang kapatid na singer ni Troy na si Cheesa na inawit ang 90’s hit na “Kaba.” Syempre, kasama pa rin sina Nicole Scherzinger at Regine Velasquez na nagsanib-pwersa para sa awiting “Nandito Ako.” Si Jake Zyrus na kabilang din sa naunang “KAIBIGAN” album ay nagbabalik din para sa kantang “Maghintay Ka Lamang” pati na rin sa “Outro: “Kung Kita’y Kapiling.”
 
Isang initiative ni Troy katulong ang ABS-CBN Music International,  sinusundan ng “GILIW” ang kanyang “KAIBIGAN” OPM collective na binuo upang balikan ang ilan sa Pinoy song classics at bigyan ito ng bagong interpretasyon ng Filipino at non-Filipino artists at ipakalap pang higit ang OPM masterpieces na ito sa global stage.
 
Mapapakinggan na ang “GILIW” album sa music streaming platforms worldwide. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.