News Releases

English | Tagalog

Mga kandidato sa Halalan 2022, sinimulan nang kilatisin sa TeleRadyo

December 07, 2021 AT 09 : 56 AM

Watch “Sino SENyo? The Senatorial Candidates’ Interview” every Tuesdayand Thursday on “SRO: Suhestiyon, Reaksyon at Opinyon” after “TV Patrol.” Catch“Ikaw ang On The Spot: The Presidential Candidate’s Interview” and “Ikaw ang OnThe Spot: The Vice Presidential Candidate’s Interview” on “On The Spot,” whichairs from Monday to Friday at 9 am.

Tony, Danny, Alvin, at Doris, bubusisiin ang kanilang isyu at plataporma

Nagsimula na ang masusing pagkilatis ng mga Pilipino sa mga nais maging senador, pangalawang pangulo, at pangulo ng bansa sa TeleRadyo, sa pangunguna ng mga batikang mamamahayag na sina Alvin Elchico, Doris Bigornia, Tony Velasquez, at Danny Buenafe.

Sina Alvin at Doris ang susubok sa mga nangangarap maging senador sa “Sino SENyo? The Senatorial Candidates’ Interview” na mapapanood tuwing Martes at Huwebes sa programa nilang “SRO: Suhestiyon, Reaksyon at Opinyon” pagkatapos ng “TV Patrol.”

Ang tambalan naman nina Tony V at Danny B ang haharap sa mga lalaban para sa pinakamatataas na pwesto sa gobyerno sa “Ikaw ang On The Spot: The Presidential Candidate’s Interview” at “Ikaw ang On The Spot: The Vice Presidential Candidate’s Interview.” Abangan ang espesyal na episodes na ito sa kanilang show na “On The Spot” na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng 9 am sa TeleRadyo.

Layunin ng mga programang ito ng TeleRadyo na mabigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na maihayag ang kanilang mga plataporma at adbokasiya, at sagutin ang mga isyung ibinabato sa kanila.

Higit sa lahat, nais din ng TeleRadyo na matulungan ang mga botante na makapili ng karapatdapat na makatanggap ng kanilang boto, at maiparating din sa mga tatakbo ang mga saloobin at hinaing ng publiko.

Sa “Sino SENyo?” sasalang ang mga kandidato sa mga segment tulad ng “SENo Ka?,” “What’s Hot, What’s Not,” “Anong Entry Mo,” “Punto Sen Minuto” na magpapakita sa kanilang kakayahan, karanasan, paninindigan, at personalidad. Sa Punto Poll naman maaaring makilahok ang mga nanonood at nakikinig sa pagsagot ng mainit na katanungan para sa araw na iyon.

Ganito rin ang maaasahang talakayan sa “Ikaw ang On The Spot” na may mga segment na “E-Pakilala,””Yung Totoo,” “CALLitan na,” “Mukhang May Laman,” at “sQuiz it.”

Bago pa ilunsad ang “Sino SENyo? The Senatorial Candidates’ Interview” at “Ikaw ang On The Spot: The Presidential Candidate’s Interview” ngayong Nobyembre, naglunsad din ang TeleRadyo ng voters’ education special na “Halalan 101” sa programang “Omaga Diaz Reports” ni Henry Omaga-Diaz noong Oktubre upang ipaliwanag ang kasaysayan, proseso, at mga isyung nauugnay sa halalan sa mga Pilipino.

Samantala, ang tandem din nina Tony at Danny ang nasa likod ng Halalan 2022 podcast ng ABS-CBN News na “POV:XYZ” kung saan kasama nila sa diskusyon tungkol sa eleksyon ang mga miyembro ng Generation X, Y, at Z.

Tutukan ang “Sino SENyo? The Senatorial Candidates’ Interview” tuwing Martes at Huwebes sa “SRO: Suhestiyon, Reaksyon at Opinyon” pagkatapos ng “TV Patrol.” Abangan din ang “Ikaw ang On The Spot: The Presidential Candidate’s Interview” at “Ikaw ang On The Spot: The Vice Presidential Candidate’s Interview” sa programang “On The Spot” na napapanood Lunes hanggang Biyernes ng 9 am. Available din ito sa  TFC (The Filipino Channel), iWantTFC, ABS-CBN Radio Service App, ABS-CBN News App, at sa Facebook at YouTube accounts ng TeleRadyo at ABS-CBN News.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.