How will Anton cover up what happened to Arnold? Who will Anton and Amelia’s next victim be as they continue to hide their dark secret?
Isa na namang sikreto ang kailangang pagtakpan ni Anton (Zanjoe Marudo) kasunod ng aksidenteng pagkakabagok ng ulo ng kapatid niyang si Arnold (Javi Benitez) noong Miyerkules (Pebrero 17) sa umiigting na mga eksena sa Kapamilya teleseryeng “Walang Hanggang Paalam.”
Nangyari ang aksidente sa gitna ng pagtatalo ng magkapatid matapos mabisto ni Arnold si Anton na nakikipag-usap sa telepono tungkol sa iligal na organ trafficking business ng kanilang pamilya at matuklasang inampon lang siya para maging heart donor ni Anton.
Patong-patong na nga ang problema ni Anton dahil nakakalap na ng matibay na ebidensya si Emman (Paulo Avelino) laban sa kanya at kapatid na si Amelia (Cherry Pie Pichace) mula sa isinagawang raid sa sindikato.
Palapit naman nang palapit si Emman sa katotohanan tungkol sa anak nila ni Celine (Angelica Panganiban) dahil naman sa tulong mula sa kanyang kapatid na si Bernie (McCoy De Leon).
Paano itatago ni Anton ang nangyari sa kanyang kapatid? Kaninong buhay ang susunod na masasakripisyo sa patuloy na pagtakas nila ni Amelia sa batas?
Panoorin ang “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.