News Releases

English | Tagalog

“Your Face Sounds Familiar,” handa na sa mga pasabog sa ikatlong season

February 20, 2021 AT 02 : 02 PM

Now on its third season, “YFSF” will debut a new face as “Pambansang Host” Luis Manzano takes over the hosting duties every Saturday at 8 pm and Sunday at 7:30pm.

Luis, pasok bilang host; Darren at AC, makakasama online

Handa na ang Kapamilya musical variety competition na “Your Face Sounds Familiar” (YFSF) sa mga pasabog nito sa ikatlong season tampok ang nakabibilib na pagpapalit ng anyo at boses ng mga celebrity na kalahok simula mamayang gabi, ika-20 ng Pebrero.

Makakasama tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo ng 7:30 pm ang “Pambansang Host” na si Luis Manzano at ang mga miyembro ng Jury na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, King of OPM Ogie Alcasid, at Megastar Sharon Cuneta, at celebrity mentors na sina Jed Madela and Nyoy Volante, na gagabay sa mga kalahok sa kanilang mga performance.

Kabilang sa mga tumanggap ng hamon sa paggaya sa mga sikat na performer sa bansa at sa mundo sina new breed actor Christian Bables, viral crooner CJ Navato, pop royalty Geneva Cruz, sample king Jhong Hilario, soul diva Klarisse de Guzman, Pinoy Big Belter Lie Reposposa, rising sweetheart Vivoree Esclito, at ang Idol trio na iDOLLS na sina Lucas Garcia, Matty Juniosa, at Enzo Almario.

Panoorin ang unang salang nila sa Iconator at sundan ang kanilang laban upang maging Grand Winner tulad nina Melai Cantiveros and Denise Laurel. Tumataginting na P50,000 ang mapapanulan ng winner kada linggo habang P1 milyon naman ang naghihintay para sa kampeon ng season.

Simula 2015, hatid ng “YFSF” regular at kids editions ang mga world-class na pagtatanghal na kinagigiliwan hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa mundo matapos mag-viral sa social media.

Ngayong taon, mas gaganahan pa ang mga tumatangkilik sa programa dahil magkakaroon ng gap show ang “YFSF” sa Kapamilya Online Live kasama sina Darren Espanto at AC Bonifacio.

Huwag palampasin ang aliw at sayang hatid ng “Your Face Sounds Familiar Season 3” ngayong gabi, 8 pm sa Kapamilya Channel at A2Z channel 11. Maaari ring manood online sa Kapamilya Online Live at sa iWantTFC. Maging konektado sa programa. I-follow ang @YourFacePH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.