News Releases

English | Tagalog

McCoy, namatay sa kamay ni Zanjoe sa "Walang Hanggang Paalam"

February 25, 2021 AT 12 : 26 PM

What will Emman’s next step be now that Bernie is dead? How much longer will Anton be able to conceal his true identity?

Isa na namang buhay ang nasakripisyo ni Anton (Zanjoe Marudo) sa patuloy niyang pagkukubli ng mga krimen ng kanilang pamilya matapos niyang patayin si Bernie (McCoy De Leon) noong Miyerkules (Pebrero 24) sa Kapamilya teleserye na “Walang Hanggang Paalam.”

Mismong si Anton ang nagwakas ng buhay ni Bernie, ang kapatid ni Emman (Paulo Avelino), matapos nitong marinig ang buong katotohanan tungkol sa pamamalakad ni Anton at ng kanyang pamilya sa sindikatong dumukot sa kanyang pamangkin.

Bagama’t nagawa pang tawagan ni Bernie si Emman tungkol sa mga sikreto ni Anton, hindi na siya nakatakas sa kamatayan at natagpuan na lang na duguan at wala nang buhay sa bahay nila.

Lalo namang titindi ang galit ni Emman kay Anton dahil kumbinsido siyang ito ang may pakana sa pagkamatay ni Bernie, habang papalabasin naman ni Anton na suicide ang nangyari dahil wala pang matibay na ebidensya laban sa kanya.

Ano ang susunod na hakbang ni Emman para makahanap ng hustisya para kay Bernie? Hanggang kailan maitatago ni Anton ang kanyang mga sikreto?

Panoorin ang “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.