News Releases

English | Tagalog

Himig 11th edition finals night, gaganapin sa March 21

February 26, 2021 AT 12 : 16 PM

Vote for your favorite entries until March 15 (Monday) and watch out for #Himig11thEdition’s finals night on March 21 (Sunday).

Iboto ang paborito mo hanggang March 15!

Mangyayari na sa Marso 21 (Linggo) ang finals night ng Himig 11th edition songwriting competition ng ABS-CBN kung saan malalaman na ang mga mananalo ng special awards at ang inaabangang Best Song.

Kagaya ng mga nakaraang taon, malaking parte ang pagboto ng fans para malaman kung sino ang mag-uuwi ng “TFC’s Global Choice Award,” “MOR Philippines Choice Award,” at “MYX Choice for Best Music Video” sa pamamagitan ng pagboto sa mga paborito nila hanggang sa Marso 15 (Lunes).

Para bumoto sa “TFC's Global Choice Award,” panoorin, mag-comment, at mag-react sa Himig in-studio performance ng iyong paboritong kanta sa playlist na ito. Ang kanta na may pinakamaraming comments at reactions ay mananalo ng award at makakatanggap din ang songwriter nito ng USD 1,000.

Para naman sa “MOR Philippines Choice Award,” mag-log in lang sa YouTube at i-like ang official audio-video ng napili mong awitin sa playlist na ito sa MOR Entertainment YouTube Channel.

Samantala, 30% ng criteria sa pagpili ng “MYX Choice for Best Music Video” ay magmumula sa total number ng views ng mga official music video ng bawat entry, kaya siguraduhing panoorin ang paborito mo.

Unang mapapanood ang Himig 11th edition finals night sa livestream sa ktx.ph 7 pm sa Marso 21 (Linggo) sa halagang PHP 199. Ipapalabas din ito 10 pm sa Sunday's Best ng Kapamilya Channel at sa TFC IPTV.

Pwede rin itong abangan sa Kapamilya Online Live, sa mga YouTube channel ng ABS-CBN Star Music, MYX Philippines, MOR Entertainment, at One Music PH, at pati na sa official TikTok account ng ABS-CBN Music (@abscbnmusic).

Tampok sa Himig 11th edition ang magkakaibang lineup ng mga awitin, interpreter, at kaabang-abang na kolaborasyon gaya nina Jeremy G at Kyle Echarri para sa "Kahit Na Masungit" nina John Francis and Jayson Franz Pasicolan; Moira Dela Torre at Agsunta para sa "Kahit Kunwari Man Lang" ni David Mercado; Davey Langit ft. Kritiko para sa "Ang Hirap Maging Mahirap" ni Kenneth Reodica; at ni Janine Berdin ft. Joanna Ang para sa komposisyon ni Joanna na "Bulalakaw".

Nagbukas din ito ng pinto para sa mga rookie interpreter gaya nina Zephanie para sa “Tinadhana Sa’Yo” ni SJ Gandia; JMKO para sa “Tabi-Tabi Po” ni  Mariah Moriones; bandang Kiss ‘N Tell para sa entry nilang “Pahina”; ZILD para sa “Ibang Planeta” ni for Dan Tañedo; at FANA para sa “Out” ni Erica Sabalboro, at nagbigay-daan sa pagbabalik ng mga dati nang inetrpreter gaya nina KZ Tandingan para sa "Marupok" ni Danielle Balagtas; Sam Mangubat para sa “Kulang Ang Mundo” ni Daryl Cielo; at ni Juris para sa “Ika’y Babalik Pa Ba” ni Jabez Orara.

Bumoto na para sa paborito mong kanta hanggang sa Marso 15 (Lunes) at abangan ang finals night ng #Himig11thEdition sa Marso 21 (Linggo)! Para sa iba pang detalye, sundan ang https://www.facebook.com/Himig2020 sa Facebook.