News Releases

English | Tagalog

MayWard, Francine, Donny, Arjo, and Gary V, Kapamilya pa rin

February 27, 2021 AT 02 : 37 PM

ABS-CBN executives warmly welcomed each of the six stars who still chose to be with ABS-CBN at the “Kapamilya Strong” special contract signing event and media conference on Friday (February 26).

“Kapamilya Strong,” may multiple trending topics sa Twitter

Buo ang tiwala at pagmamahal ng Kapamilya stars na sina Maymay Entrata, Edward Barber, Francine Diaz, Donny Pangilinan, Arjo Atayde, at Gary Valenciano sa ABS-CBN, kaya naman patuloy nilang tatawaging tahanan ang Kapamilya network.
 
Sa ginanap na “Kapamilya Strong” special contract signing event at media conference, isa-isang mainit na sinalubong ng ABS-CBN executives ang anim na Kapamilya stars.
 
Unang nag-renew ng kontrata si Maymay na bakas ang saya at luha sa mata dahil sa bagong milestone sa kanyang karera.
 
“Mahalaga sa akin ang pagiging Kapamilya dahil dito ako nagsimula. Para sila ang naging tulay ng mga pangarap ko. Dito ko nahanap ang purpose ko,” ani Maymay na bumida sa digital romcom movie na “Princess DayaReese. Mapapanood pa rin siya sa “ASAP Natin ‘To” at “iWant ASAP.”
 
Sumunod namang pumirma ng kontrata ang ka-loveteam ni Maymay na si Edward na handang ‘sumugal’ ngayon taon. Ayon sa host ng MYX online show na  “Kwentong Barber” sa Kumu, “Kailangan kong sumugal ng konti ngayong taon. To jump, to take risks. I’ll take a chance. I’ll train, not try.”
 
Para naman kay Francine Diaz na mapapanood muli sa inaabangang biggest inspirational teleserye na “Huwag Kang Mangamba” kasama ang Gold Squad, puspusan na ang kanyang preparasyon sa bagong teleserye.
  
“Inaaral ko ang mga eksena, lalo na po ‘yung scenes na kasama ako. Pero kinakabahan din po ako  kasi kailangan marami kaming mabigay na message at lessons sa mga Kapamilya natin,” paliwanag ni Francine.
 
Isa rin sa mga pumirma ng kontrata si Donny Pangilinan na malapit nang mapanood sa iWantTFC series na “He’s Into Her,” kasama si Belle Mariano. Ayon kay Donny, puno siya ng pasasalamat sa Panginoon para sa bagong ‘blessing’ sa kanyang buhay.
 
“I'm glad to be here in my roots. Thank you so much ABS-CBN for giving me wings to fly as well,” dagdag ni Donny.
 
Kabilang din sa “Kapamilya Strong” event ang 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor na si Arjo Atayde na may ginagawa ng proyekto para sa Kapamilya network.
 
Kahit wala pang masyadong detalye itong ibinahagi, excited na si Arjo na magbalik-trabaho. Naging emosyonal din ang aktor habang pinapasalamatan ang network.
 
“It [ABS-CBN] feels like home. For a lot of reasons they take care of us. They give us the projects we deserve, as long as we work hard for it. I just love being a Kapamilya and I will stay here no matter what,” sambit ni Arjo na binati rin ng kasintahang si Maine Mendoza at ang naging katrabaho sa "The General's Daughter" na si Diamond Star Maricel Soriano sa isang video message.
 
Masaya rin si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa kanyang pananatili bilang Kapamilya. Ani Gary V., na mapapanood pa rin tuwing linggo sa “ASAP Natin ‘To,” layunin pa rin niya at ibang kasamahan na magbigay saya at inspirasyon.
 
“What do I hope for this 2021? Just for us to continue to inspire and encourage so many people out there through our music, stories, dance. Everything.”
 
Tulad ni Arjo, nakatanggap din ng sorpresang mensahe ang iba pang pumirmang Kapamliya star. Si Maymay mula sa kanyang ina sa Japan, kay Edward mula sa charity organization sa Thailand na Friends of Thai Daughters, habang si Belle Mariano ang nagbigay ng mensahe kay Donny, at ang apo ni Gary V. naman na si Leia ang bumati sa kanya.
 
Samantala, bago pa man magsimula ang “Kapamilya Strong” event, naging usap-usapan na agad ito sa Twitter dahil sa multiple trending topics kabilang na ang #KapamilyaStrong, #MayWardSolidKapamilya, #DonnySolidKapamilya, at marami pang iba.
 
Kabilang sa dumalong ABS-CBN executives sina chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, head of entertainment production and head of Star Magic Laurenti Dyogi, managing director of ABS-CBN Film Productions Olivia Lamasan, at head of finance na si Rick Tan.
 
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.      