News Releases

English | Tagalog

Kira at Grae, tuluyan kayang mapahamak?

February 27, 2021 AT 01 : 44 PM

Kapahamakan ba nina Jake (Grae Fernandez) at Hope (Kira Balinger) ang magiging kabayaran ng pag-aaway nina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Ellice (Iza Calzado)?    

  

Sa huling tatlong linggo ng “Ang Sa Iyo Ay Akin,” malalaman na ng mga manonood ang magiging kapalaran ng dalawang bata. Habang patuloy silang hinahanap ng kanilang mga magulang, determinado si Caesar (Simon Ibarra) na ipapatay sila.  

 

Ngunit hindi naging madali ito dahil natunton nina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Avel (Joseph Marco) kung nasaan sina Jake at Hope. Sa kanilang paghahanap, nahuli nila si Red (Manuel Chua), ang nautusan ni Caesar na pumatay sa dalawang bata. Papatayin na sana ito ni Marissa nang biglang dumating si Ellice.   

Dahil sa kanyang dinatnan, kinutuban si Ellice na may alam si Marissa na hindi nito sinasabi sa kanila.  

Sa kabilang banda, lumakas naman ang hinala ni Gabriel (Sam Milby) sa biyenan na Belen (Rita Avila) nang mahuli itong may kausap sa telepono tungkol sa paghahanap sa dalawang bata. Hindi na nagdalawang isip si Gabriel at agad na ipinaimbestigahan ang biyenan para malaman kung sino ang kausap nito sa telepono.   

Mailigtas kaya nina Marissa at Ellice sina Jake at Hope sa maitim na balak ni Caesar o maunahan kaya sila nito? Samantala, malaman na kaya ni Gabriel na magkasabwat sina Belen at Caesar sa pagpapatay kay Jake?   

  

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.  

  

Tutukan ang huling tatlong linggo ng hit serye gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.  I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.      

  

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).      

  

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom