Isang pasabog na balita na inilabas ni Diana sa media ang gumulantang sa manonood noong Martes (Pebrero 2) sa “Bagong Umaga”– hindi lang dalawang sanggol ang kanyang pinagpalit sa ospital, kundi apat.
Dahil ibinunyag na ni Diana (Glydel Mercado) ang matagal nang tinatagong kasalanan sa kanyang nakaraan, pakiramdam nito gagaan na ang kanyang kalooban. Ngunit gulo naman ang idinudulot nito sa mga apektado.
Kung noong una mga buhay nina Cai (Barbie Imperial) at Tisay (Heaven Peralejo) ang halos nasira nang malaman nila na silay’ pinagpalit, ngayon, pati mundo nina Ely (Tony Labrusca) at Dodong (Yves Flores) ang babaliktad.
Nanunumbalik naman ang galit ni Matthew (Richard Quan) kay Ely at gumugulo naman ang isip ni Dodong dahi sa balita. Mag-aaway ang mag-aama at natunghayan ito ni Dodong.
Samantala, makakahinga na sana nang maluwag si Jose (Keempee de Leon) sa balita ni Ian (Cris Villanueva) na mayroon nang donor ng kidney sa kanyang asawang ni Monica (Nikki Valdez). Ngunit agad na madidismaya ito nang malamang si Ian mismo ang nag-alok ng kanyang sarili para tumulong sa pag-aakalang ginagamit ng doctor ang sitwasyon para pumasok sa buhay ni Tisay.
May pag-asa pa kayang matanggap ni Dodong ang pamilya ni Ely? Samantala, tuluyan na bang mawalan ng tsansang mapalapit si Ian sa tunay na anak?
Huwag palampasin ang ang mga susunod na tagpo sa “Bagong Umaga,” na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).
Available din ito sa A2Z channel 11, na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.
Ito rin ay na sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom