Engrandeng selebrasyon ang naghihintay sa fans ng longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo sa pagtatanghal nito ng ika-26 anniversary show nang live ngayong Linggo (Pebrero 7).
Hindi pa humuhupa ang saya sa #ASAPasOne celebration noong nakaraang Linggo, pasabog na song numbers na naman at pagbabalik-tanaw sa naging paglalakbay ng weekly show ang aasahan ng manonod mula sa OPM royalties na sina Zsazsa Padilla, Gary V, Martin Nievera, Erik Santos, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at special guest na si Lea Salonga.
Hatid din ng "home of Kapamilya champions" ang isang inspiring number mula kina KZ, Elha, Jason Dy, Janine Berdin, Elaine Duran, Noven Belleza, Jed Madela, at ng tatanghaling 4th Tawag ng Tanghalan grand final winner.
Hindi rin pahuhuli sa kantahan ngayong Linggo ang OPM rock idol na si Bamboo, kasama si Jona.
Tatapak na ng ASAP stage ang newest Kapamilya na si Janine Gutierrez bilang host. Ipapakita naman nina Kim Chiu, Maymay Entrata, G-Force, pati na sina Charlie Dizon, Jameson Blake, at Joao Constancia kung bakit ang ASAP ang home of the best dancers. Kasama rin nila sa paghataw ang special guest na si Vhong Navarro.
Kilig ang dala ng cast ng darating na iWantTFC show na "Unloving U" na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, at "Hello Stranger The Movie" na sina Tony Labrusca, JC Alcantara, Vivoree Esclito, at Gillian Vicencio.
Tiyak din na pa-iindakin nina Darren Espanto at Joshua Garcia ang mga manonood para sa kanilang hip-hop performance.
Patuloy naman ang pagdala ng matatamis na tinig ng fresh new talents na sina Sam Cruz, Diego Gutierrez, Anji Salvacion, at KD Estrada.
Yayanigin na naman muli ng bagong P-Pop boy group na BGYO ang ASAP stage sa handog nilang makatindig-balahibong performance.
Kasama rin sa anniversary special bilang musical guest ang This Band at ang vocal group na The Company para magpa-antig sa ASAP stage.
At dodoble naman ang saya sa ASAP dahil birthday rin ng nag-iisang Concert King na si Martin Nievera.
Huwag palampasin ang grand anniversary special na ito from the longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," live ngayong Linggo Pebrero 7, 12 ng tanghali sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at Cignal channel 22), Kapamilya Online Live, at A2Z (sa analog at digital TV).
Mapapanood pa rin ang ASAP nang live sa TV5, at worldwide naman sa iWantTFC at TFC. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.