News Releases

English | Tagalog

"Tinimbang ang Langit" at iba pang restored movies, mapapanood muli sa sa KTX.ph

February 08, 2021 AT 09 : 42 PM

Book your tickets now at http://bit.ly/TinimbangOnKTX, priced at only P150.

Bubuksan ang Sagip Pelikula Festival

Matutunghayang muli ang tambalan nina Kuh Ledesma at Christopher de Leon sa pagtatanghal ng Sagip Pelikula Festival ng ABS-CBN Film Restoration ng "Tinimbang ang Langit" sa KTX.PH, kasama ang iba pang remastered titles ngayong Pebrero.  

Mapapanood ang 1982 classic ni Danny Zialcita simula Pebrero 9 (Martes). Sundan ang kwento ni Victoria (Kuh), isang mag-aawit na naghahanap ng break sa indsutriya. Kanyang makikilala ang premyadong songwriter na si Joel (Christopher), na siya naming mahuhuhulog ang loob sa kanya.   

Bukod sa sira sa 'pictures' ng pelikula, may garalgal din ang tunog mula umpisa hanggang dulo kung kaya't kinailangan humanap ng panibagong pagkukunan ng sound para maayos ang audio nito, ayon kay Leo Katigbak, head ng ABS-CBN Film Restoration. 

Unang ipinalabas ang "Tinimbang ang Langit" noong May 28, 1982, at tampok din dito sina Rio Locsin, Suzanne Gonzales, Jose Garcia, Anita Linda, at iba pa. 

Mapapanood sa premiere sa KTX.PH ang isang pre-show kung saan makakasama sina Kuh Ledesma at Rio Locsin na magbabalik-tanaw sa mga araw na ginawa ang pelikula. 

Tunghayan muli ang drama at pakinggan ang mga nakakaantig na musika nito sa premiere ng remastered version nito sa KTX.ph sa darating na Pebrero 9, 7:30 PM. Para sa mga interesadong manood, mabibili na ang tickets nito sa http://bit.ly/TinimbangOnKTX.  

Para sa mga interesadong manood, mabibili na ang tickets nito sa halagang P150 sa http://bit.ly/TinimbangOnKTX.  

Samantala, handog rin ng Sagip Pelikula Festival simula naman sa Pebrero 10 (Miyerkules) ang iba pang remastered titles tulad ng "Kung Mangarap Ka't Magising" (1977), "Haplos" (1982), "Oro Plata Mata" (1982), "Ikaw ay Akin" (1978), at iba pa. 

Patuloy naman ang adhikain ng ABS-CBN Film Restoration at ang proyekto nitong Sagip Pelikula na ibalik ang dating ganda ng mga klasikong pelikulang Pilipino. Dahil dito, kinilala na ng ilang award-giving body ang inisyatibo nito, tulad nalang ng makatanggap ito ng Gold Quill award mula sa IABC, at ng Gawad Pedro Bucaneg mula sa UMPIL.

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa "Sagip Pelikula," i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE