News Releases

English | Tagalog

Pangmalakasang world-class performances tampok sa 'ASAP Natin 'To'

March 13, 2021 AT 12 : 51 PM

Power-packed performances take the "ASAP Natin 'To" stage this Sunday (March 14) at 12 NN.

Daniel Padilla may hinandang sorpresa 

Pangmalakasan ang "ASAP Natin 'To" celebration ngayong Linggo (Marso 14) dahil hatid nito ang sunod-sunod na top-notch performances mula sa mga naglalakihang bituin.  

Dala ng mga paborito niyong ASAP idols tulad nina Joshua Garcia, Enchong Dee, Robi Domingo, Jeremy Glinoga, Joao Constancia, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, AC Bonifacio, Nyoy Volante, at Jed Madela ang party vibes this Sunday. 

Maki-hataw naman sa champion sayawan ng P-Pop sensation na BGYO, kasama ang mga dance idol na sina Maymay Entrata at Kim Chiu. 

Asahan din ang mga astig collab performance nina Bamboo at Moira dela Torre; Kyle Echarri, Darren Espanto, at hip-hop prodigy Michael Pacquiao; pati na ang pagsasanib-pwersa ng mga ASAP diva na sina divas Klarisse de Guzman, Nina, and Angeline Quinto kasama ang singing heartthrob na si Iñigo Pascual. 

Patuloy din ang Sunday music fest dahil tampok pa rin ang 11th Edition jamming session mula naman kina FANA, Zild Benitez, at KZ. May finale treat din ang cast ng teleseryeng "Ang Sa Iyo Ay Akin" kasama ang OPM pop rock band na Aegis. 

Muling magdadala ng kilig sa ASAP stage ang Kapamilya star at music performer na si Daniel Padilla para sa mga fans worldwide. 

Hindi mawawala ang ultimate kantahan nina Erik Santos, Martin Nievera, Zsazsa Padilla, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez para magbigay-pugay sa mga awitin ng maestrong si Louie Ocampo sa "The Greatest Showdown." 

Lahat ng mga bigating performance na ito, sagot na sa inyo ng mga naglalakihang Pinoy artist dahil "ASAP Natin 'To" lang ang malakas! Nood na ngayong Linggo (Marso 14), 12 ng tanghali sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at Cignal channel 22), Kapamilya Online Live, at A2Z (sa analog at digital TV). 

Mapapanood pa rin ang ASAP sa TV5, at worldwide naman sa iWantTFC at TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom