Among the stars that will be bringing their talents and star power to Kumu are the Big 4 and other ex-housemates of “Pinoy Big Brother Connect,” rising P-Pop groups BGYO, BINI, and MNL48 and more artists from Star Magic, Star Hunt, Polaris (It’s Showtime talents), Star Music, and RISE Artists Studio.
Mas lalo pang liliwanag ang bawat araw at gabi sa Pinoy community platform na Kumu dahil mahigit 100 na Kapamilya stars ang maghahatid ng saya roon simula ngayong araw (Mar 15).
Sa pinakabagong pagtutulungan sa pagitan ng ABS-CBN at Kumu, mas madalas nang makikita at makaka-bonding ng fans ang mga artista ng ABS-CBN, na maaari ring makilahok sa Kumu campaigns.
Kabilang diyan ang Big 4 at iba pang ex-housemates ng “Pinoy Big Brother Connect,” ang mga P-Pop group na BGYO, BINI, at MNL48, at marami pang mga bituin mula sa Star Magic, Star Hunt, Polaris (It’s Showtime talents), Star Music, at RISE Artists Studio.
Pareho nagpapasalamat sina ABS-CBN head of digital Jamie Lopez at ang Kumu sa muling pagtutulungan ng dalawang kumpanya na parehong may layuning magbigay ng magandang palabas at karanansan sa mga tao.
Ayon naman kay ABS-CBN head of entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, ang fans ang pinakapanalo sa kasunduang ito dahil mas marami na silang oportunidad na mapanood at “makasama” ang kanilang mga paboritong artista nang mas natural at personal tuwing nagsi-stream sila sa kanilang mga opisyal na Kumu accounts.
Aniya, may mga artista na silang napapanood sa Kumu pero mas dadami pa ang aabangan na stars ng Kumunizens dahil sa bagong partnership na ito.
Inanunsyo ang sorpresang ito mula sa Kumu at ABS-CBN sa ginanap na Big Night ng “PBB Connect,” na isa ring pagsasanib-pwersa sa pagitan ng dalawang kumpanya. Bukod sa ika-siyam na season ng “PBB,” nagtulungan din ang ABS-CBN at Kumu noong 2020 para sa pagbabalik ng sikat na game show na “Game KNB.”
Para sa impormasyon at iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.