News Releases

English | Tagalog

Jhong, wagi bilang rakista sa “Your Face Sounds Familiar Season 3”

March 02, 2021 AT 06 : 05 PM

The “Sample King” bested the seven other celebrity performers in the hit musical variety competition airing every weekend on Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, and iWantTFC.

Luis, gayang-gaya si Andrew E!

Muling kinoronahan bilang weekly winner si Jhong Hilario sa “Your Face Sounds Familiar Season 3” matapos umawit bilang ang Pinoy rock icon na si Bamboo.

Dinaig ng “Sample King” ang mga kapwa celebrity performer sa hit musical variety competition na napapanood tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Panalo ulit ng P50,000 si Jhong, na inspirado sa pagbubuntis ng kanyang mahal sa buhay, dahil siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa jury at sa mga kalahok tulad niya.

Hindi naman nagpahuli ang host na si Luis Manzano, na ipinakita ang galing sa pag-rap sa kanyang paglabas bilang Andrew E, na lubos namang ikinatuwa nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta, pati ng mga mentor na sina Jed Madela at Nyoy Volante.

Sa darating na Sabado (Marso 5) at Linggo (Marso 6), ang King of Latin pop na si Enrique Iglesias naman ang gagayahin ni Jhong. Earth, Wind, & Fire naman ang gagampanan ng iDolls, si Justin Timberlake kay Christian Bables, at si Rico J. Puno naman kay CJ Navato. Abangan din ang paglabas ni Klarisse De Guzman bilang Jaya, ni Geneva Cruz bilang ang pinsan niyang si Sheryl, ni Vivoree bilang si Camila Cabello, at ni Lie Reposposa na mag-aala April Boy Regino.

Huwag palampasin ang “Your Face Sounds Familiar Season 3” tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo ng 7:30 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Abangan din ang “KaFamiliar Online Live” show nina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial break.

Para sa mga nakaraang perfomances pumunta sa official YouTube channel ng “Your Face Sounds Familiar” o sa iWantTFC. I-follow ang @YourFacePH para sa updates sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom