News Releases

English | Tagalog

Acel, handog ang bagong single na "Mula Ngayon" sa mga magpapakasal

March 24, 2021 AT 10 : 37 AM

The latest single characterizes the emotions of a bride-to-be as she walks down the aisle.

Online event na “Mula Ngayon: An Evening of Love Songs and Stories” live ngayong Biyernes
 
May regalong bagong kanta para sa mga magkarelasyon ang acoustic pop singer na si Acel na siguradong magdadala sa kanila sa isang emosyonal na paglalakbay—ang “Mula Ngayon” mula sa DNA Music.
 
Isinulat ni Acel ang bagong single na in-arrange at ipinrodyus ni Jack Rufo na nagpapakita ng damdamin ng isang babaeng ikakasal habang naglalakad siya sa simbahan papalapit sa taong makakasama niyang habambuhay.
 

Kasabay ng release ng “Mula Ngayon” single ang isang puno nang inspirasyon na online event na “Mula Ngayon: An Evening of Love Songs and Stories” na mapapanood sa Facebook page ni Acel (www.facebook.com/acelmusic) ngayong Biyernes, 8 PM.
 
Swak bilang date night sa bahay ang event dahil haharanahin ng singer-songwriter ang mga manonood gamit ang mga orihinal niyang love songs at magtatampok din ng mga usapan mula sa mga real-life couples.
 
Kabilang sa mga bisita ang mga life coach na sina Chinkee at Nove Tan, na nagsulat ng librong “Happy Wife, Happy Life”; motivational speaker at trainor na si Jayson Lo kasama ang asawa niyang si Kat na author ng librong “Youniquely In Love”; at ang bagong kasal na sina Jonri at Denice Sy-Isla na nagkakilala dahil sa pagmamahal nila sa teatro at musika.
 
Si Acel ang boses sa likod ng mga hit song na “Torete,” “Sulat,” at “Pag-Ibig Kong Ito” kasama ang dati niyang banda na Moonstar88. Bilang solo artist, nag-release na siya ng dalawang independently-produced albums, pati ng apat na single sa ilalim ng DNA Music, kabilang na ang bersyon niya ng "Your Universe" ni Rico Blanco para sa pelikulang "Between Maybes" at ang recent single niyang “Alaala.”
 
Abangan ang magandang hinaharap kasama ang iyong life partner at pakinggan ang “Mula Ngayon” ni Acel sa Spotify, Apple Music, at iba pang digital music platforms. Para sa updates, sundan ang DNA Music sa Facebook (https://www.facebook.com/dnamusicph) at Instagram (@dnamusicph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE