News Releases

English | Tagalog

Bagong talents, bibida sa "Class of 2021" ng Tarsier Records

March 30, 2021 AT 10 : 47 AM

Since its launch in 2017, Tarsier Records has been making milestones in the export of Filipino talent in the world stage and the import of international music Filipino audiences.

KZ, Bugoy, GIBBS, bahagi na rin ng lumalaking pamilya ng Manila-based label

May mga bagong artist na dapat abangan sa ABS-CBN Music label na Tarsier Records na kasama sa kanilang “Class of 2021.”

Mula kasi sa pagiging tahanan ng electronic dance music o EDM na swak sa mga millennial o Gen Z, mas pinalawak pa ng Tarsier Records ang catalog nila base sa tunog ngayon at iba-ibang musika ng mga artist nila.

Sabi ng founder at label head ng Tarsier Records na si Chris Lopez o Moophs, mas pinalawak nila ang uri ng musika na inilalabas nila dahil mas importante kesa sa genre na tumatagos ito sa mga makikinig kahit nasaan man sila.

Pinangungunahan ng mga dati nang talents kagaya nina Inigo Pascual, Kiana V, Sam Concepcion, Markus, Moophs, Subzylla, Edana, Kyler, YUZON, at Xela ang “Class of 2021” ng Tarsier Records.

Makakasama na rin sa pagpapalago sa label ngayong taon ang OPM greats na sina KZ Tandingan at Bugoy Drilon, Chi at Gabs Gibbs o mas kilala bilang duo na GIBBS, dating miyembro ng Boyband PH na si Russell Reyes, TikTok viral content creator-singer-songwriter na si Zion Aguirre, at singer-songwriters na sina SAB at Miguel Odron.

Siyempre, dapat ding abangan ang mga papausbong na music artists gaya ng rapper na si Dotty (f.k.a. marc), R&B artists na sina daze, Annette, at Gessie, Spotify Radar 2021 folk-gospel-neo-soul act allen&elle, Filipino artists mula Singapore na sina Tonie Enriquez at Dave Anounuevo, mga respetadong Asian DJ-producers na sina Arthur Tan at Kaiyo, indie artist Recio, at ang pinakabata sa lahat na si Ocean Crosby, isang teenager na guitar whiz at singer-songwriter din.

Simula 2017 pa nangunguna ang Tarsier Records sa pagdadala ng mga Pinoy talent sa world stage at pagiging tulay sa paghahatid ng mga international music papasok sa bansa, na sana raw ay magtuloy-tuloy ayon kay Moophs.

“If there’s anything I’m proud of with our brand, it’s the quality. We don’t release bad music, it’s just not something we do, and we release a lot of music,” aniya na sana raw ay higit pang mapansin ng marami.

“My hope for the label is to continue to grow as a portal for the import and export of good music; a place where artists and fans from anywhere in the world can gather, collaborate, exchange ideas and help tell our collective story. I couldn’t be more excited for what’s ahead,” dagdag niya.

Kilalanin ang “Class of 2021” ng Tarsier Records sa mga social media accounts nito @tarsierrecords at pakinggan ang official Spotify playlist ng label ditto: https://bit.ly/tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE