News Releases

English | Tagalog

Mga bigating performer, magsasanib-pwersa para sa Pinoy pop hits celebration sa 'ASAP Natin 'To'

March 06, 2021 AT 03 : 27 PM

Let's unite together for a spectacular Sunday treat from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," live this March 7 at 12 NN.

Abangan ang global TV debut performance ni Ez Mil ngayong Linggo
 
Magsasama-sama ang mga naglalakihang Pinoy artist para sa isang pangmalakasang Pinoy pop hits celebration, live na live, ngayong Linggo, (Marso 7) sa "ASAP Natin 'To."
 
Ultimate hatawan agad ang bubungad sa mga manonood dahil sa mga makapigil-hiningang dance performance nina Joshua Garcia, AC Bonifacio, Joao Constancia, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Iñigo Pascual, at dance royalty Kim Chiu.
 
Handog naman ng "ASAP Natin 'To" ang mga Pinoy pride performance ng Himig 11th Edition artist na sina Zephanie, Kiss 'n Tell, at Davey Langit kasama si Kritiko. Abangan din ang first-and-exclusive global TV performance ng trending Fil-Am rapper sa likod ng hit na "Panalo" na si Ez Mil.
 
Marami pang exciting na musical numbers ang nakasalang ngayong Linggo sa ASAP, tulad ng hugot vocal session nina Moira dela Torre, Juris, at Nina.
 
Magsasama-sama sina Erik Santos, Klarisse de Guzman, Gary Valenciano, at ang Pinoy pop band na Aegis para awitin ang mga sikat na teleserye theme song ng ABS-CBN Entertainment Primetime Bida, na mapapanood na rin sa TV5 simula March 8.
 
Magbabalik naman sa ASAP stage para sa kanilang special treat sina Yassi Pressman, Kiana V, at The Juans kasama ang mga OPM icon na sina Martin Nievera at Ogie Alcasid.
 
Huwag palampasin ang ultimate biritan ng mga ASAP diva na sina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Elha Nympha, Janine Berdin, Sheena, at Asia's Songbird Regine Velasquez.
 
Tara at maki-party together sa longest-running Sunday musical variety show na "ASAP Natin 'To" live na live ngayong Linggo (Marso 7), 12 ng tanghali sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at Cignal channel 22), Kapamilya Online Live, at A2Z (sa analog at digital TV).
 
Mapapanood pa rin ang ASAP sa TV5, at worldwide naman sa iWantTFC at TFC.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE