News Releases

English | Tagalog

Ina may bagong movie, Sarah G film concert, at "Dito at Doon" nasa iWantTFC ngayong Marso

March 08, 2021 AT 05 : 25 PM

Tickets to Coco-Angelica’s “Love or Money” still available

Isang pelikulang pagbibidahan ni Ina Raymundo, ang film concert ni Sarah Geronimo, at bagong Pinoy movies ang ilan lamang sa mga bagong mapapanood sa iWantTFC streaming service ngayong Marso.

Sugatan ang puso ni Ina bilang isang misis na binigo ng kanyang asawa sa “Ampalaya Chronicles: Me and Mrs. Cruz,” kung saan makakatambal niya si Paulo Angeles. Ito ang ikatlong episode sa original anthology series kasunod ng “Adik” at “Labyu Hehe” at mapapanood na sa Marso 24.

Sa Marso 27 na rin ang pinakahihintay na “Tala: The Film Concert” ni Sarah Geronimo na mapapanood sa buong mundo. Available pa rin ang tickets nito na mabibili sa iWantTFC website at Android app sa halagang P1,500 o USD29.99.

Makakabili na rin ng early bird tickets (P300) sa iWantTFC ng upcoming movie nina Janine Gutierrez at JC Santos na “Dito at Doon” na malapit nang ipalabas sa Pilipinas. Tungkol ito sa dalawang magkaibigang magiging kumplikado ang relasyon habang lockdown at mahuhulog sa isa’t isa dahil sa dalas ng kamustahan nila sa video calls.

Mapapanood na rin worldwide ang inaabangang Coco Martin-Angelica Panganiban movie na “Love or Money” sa Marso 12. Pwede pang kumuha ng early bird tickets sa halagang P200 or USD3.99 hanggang Marso 11, at magiging P250 o USD4.99 na rin ang regular tickets simula Marso 12.

Kasalukuyan ding napapanood sa iWantTFC ang boys’ love film na “Hello Stranger” at “Ayuda Babes,” isang nakakatawang throwback movie tungkol sa mga pagbabago sa buhay ng mga Pinoy noong lockdown sa halagang P200 or USD3.99.

Para naman sa mga naghahanap ng mapapanood na pelikula o seryeng babagay sa nararamdaman nila, matatagpuan sa iWantTFC ang pinakamalaking koleksyon ng iba’t ibang kwentong Pinoy tungkol sa pag-ibig, pamilya, horror, action at adventure, at mga dokumetaryo. Marami ring mapapanood na serye at movies na itinatampok ang kwento ng kababaihan para sa viewers na gustong ipagdiwang ang National Women’s Month.

Panoorin ang mga ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Telstra TV, at piling Samsung Smart TV models. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.