News Releases

English | Tagalog

Paraiso ni Alex, hahagupitin ng bagyo at ni ‘El Diablo' sa “Almost Paradise"

April 14, 2021 AT 12 : 33 PM

The show, which boasts of an all-star Filipino cast, also features guest Filipino actors Ryan Eigenmann, Patrick Sugui, Beverly Salviejo, Chanel Latorre, Yan Yuzon, Manu Respall, Harold Baldonado, and Bong Cabrera in this episode.

Ryan Eigenmann, Patrick Sugui, at Beverly Salviejo, nakipagsabayan sa aktingan 

Muling haharap sa panganib ang dating U.S. secret agent na si Alex Walker sa pagdating ni “El Diablo” at ng isang matinding bagyo ngayong Linggo (Abril 18) sa “Almost Paradise” sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Agad masisira ang magandang araw ni Alex (Christian Kane), na naisasaayos na ang buhay sa isla, nang malamang ipinababalik sa Amerika ang kriminal na si El Diablo, na kanilang nahuli dahil sa iligal na pagbebenta ng mga armas.

Ipipilit niyang paharapin sa hustisya si El Diablo dito sa Pilipinas, pero papabor sa kriminal ang masamang panahon. Habang matindi ang ulan sa labas, gulo ang hatid ni El Diablo at ng mga sangganong lasing sa presinto at malalagay sa pahamak maging ang mga detective na sina Kai (Sam Richelle) at Ernesto (Art Acuña).

Paano kaya masasalba ni Alex ang mga kaibigan at ibang pang inosente sa gitna ng paghagupit ng bagyo? Abangan din ang paglabas ng ilan pang Pilipino aktor sa pang-Hollywood na produksyong ito mula sa ABS-CBN at Electric Entertainment. 

Bukod kina Sam, Art, Nonie Buencamino, at Ces Quesada, mapapanood rin sina Ryan Eigenmann, Patrick Sugui, Beverly Salviejo, Chanel Latorre, Yan Yuzon, Manu Respall, Harold Baldonado, at Bong Cabrera sa episode na ito ng “Almost Paradise,” ang kauna-unahang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas.

Huwag palampasin ang mas tumitindi pang aksyon sa “Almost Paradise”  tampok ang galing ng Pilipino sa likod at harap ng kamera tuwing Linggo, 8:45 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC, at Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook at YouTube.  Mapapanood rin ng paulit-ulit ang pinakabagong episode ng libre sa loob ng pitong araw sa KOL sa YouTube. Sa iWantTFC naman mapapanood ang iba pang umereng episode.  I-follow @AlmostParadiseTV at @AlmostParadisePH sa Facebook. Sundan din ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.