News Releases

English | Tagalog

Live na live ang concert experience sa 'ASAP Natin 'To' ngayong Linggo

April 17, 2021 AT 11 : 57 AM

"ASAP Natin 'To" takes you higher LIVE this Sunday (April 18) at 12 NN

Abangan ang back-to-back celebration treat mula kina Gary V. at Regine 

Humanda na sa mas marami pang world-class na mga sorpresa mula sa inyong kinagigiliwang Kapamilya idols dahil live na live ang sayawan at kantahan ngayong Linggo (Abril 18) sa "ASAP Natin 'To," sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Abangan ang homecoming pasabog mula sa nagbabalik ng Asia's Pop Heartthrob Darren live sa ASAP stage, kasama ang buong pwersa ng G-Force. 

Maki-hataw naman sa concert vibes na dala ng P-Pop sensation na BGYO, at maki-sing along sa ultimate jamming session ng new breed of ASAP singers na sina KD Estrada, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, at Sam Cruz, kasama ang trending TikTok star at music artist na si Angela Ken. 

May todong patalbugan din sa ASAP stage mula sa dance hotties na sina Darren at AC Bonifacio, makapigil-hiningang sayawan nina Jeremy Glinoga, Jin Macapagal, Joao Constancia, Jameson Blake, Maris Racal at Vivoree Esclito, at intense performance ni dance royalty Kim Chiu.

Humanda na rin sa mainit na welcome sa mga bituin ng inaabangang teleserye na "Init Sa Magdamag," na sina Gerald Anderson, JM de Guzman, at Yam Concepcion, kasama ang ASAP diva na si Jona. 

Sumama sa special tribute ng mga world-class singers na sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Jed Madela, Erik Santos, Klarisse de Guzman, at Zsazsa Padilla para sa OPM jukebox icon na si Claire dela Fuente. 

Huwag palampasin ang mga back-to-back celebration ni Mr. Pure Energy sa kanyang 38th anniversary sa showbiz, at birthday ng Asia's Songbird Regine Velasquez, na may kasamang matinding kantahan mula kina Zsazsa at young divas na sina Elha Nympha, Sheena, Janine Berdin, and Zephanie.

Lahat ng mga world-class treat na ito ay para sa inyo dahil live na live muli ang country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV, worldwide via TFC, at online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.  

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.