News Releases

English | Tagalog

"Init sa Magdamag," humakot ng 6 milyon views

April 27, 2021 AT 09 : 24 PM

Humakot ang pinag-uusapang serye ng ABS-CBN Entertainment na “Init sa Magdamag” ng anim na milyon na views sa YouTube sa unang linggo pa lamang nito, patunay na patuloy ang paghahatid ng ABS-CBN ng nakakapukaw na mga panoorin sa mga Pilipino. 

   

Mahigit sa isang milyon ang average views ng serye ngunit pumalo ito ng isa't kalahating milyong views noong Biyernes (Abril 23). Araw-araw rin nagtrending topic ito sa social media.   

  

Bago mag-premiere ang serye, higit sa 12 milyong views ang nalikom nito 13 araw matapos ilabas sa social media.    

  

Natunghayan ng mga tagasubaybay ng serye kung paano nabuo ang matamis na pag-iibigan nina Rita (Yam Concepcion) at Tupe (Gerald Anderson) sa unang linggo nito. Hindi man maganda ang unang pagkikita ng dalawa, unti-unti naman naramdaman ng dalaga ang kabutihan ng binata, hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa.   

  

Pero agad ding natapos ang matamis nilang pagsasama nang matuklasan ni Rita na ang perang ginamit ng nobyo para ipagamot sa kanya ay galing sa kinurakot ng ama nitong si Miguel (Joey Marquez). Hindi kinaya ng dalaga na ipagpalit ang prinsipyo sa pagmamahal sa binata kung kaya winakasan agad nito ang kanilang relasyon.   

  

Sa kanilang paghihiwalay, matatagpuan ni Rita ang papalit kay Tupe sa puso niya – si Peterson (JM de Guzman).   

  

Tuluyan na bang lalayo si Tupe kay Rita? Magiging tahimik ba ang buhay ni Rita sa piling ni Peterson?  

  

Iprinodyus ng Star Creatives ang “Init Sa Magdamag.” Nasa ilalim ito ng creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.    

     

Panoorin ito gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel. 

 

Ang advanced episodes nito ay nasa iWantTFC at WeTV iflix.  

  

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom