News Releases

English | Tagalog

Dean Devlin at Christian Kane ng Hollywood, todo puri sa mga Pinoy sa “Almost Paradise”

April 29, 2021 AT 09 : 58 AM

Hollywood producer Dean Devlin and American star Christian Kane were all praises for the Filipinos they worked with in “Almost Paradise,” the international crime drama series currently airing on Kapamilya Channel and A2Z every Sunday.

Bisita ni Alex, may hatid na gulo?

Todo ang puri ng Hollywood producer na si Dean Devlin at ang Amerikanong aktor na si Christian Kane sa kanilang mga nakatrabahong Pilipino sa “Almost Paradise,” ang international crime drama series na umeere tuwing Linggo sa Kapamilya Channel at A2Z.

Sa panayam sa “TV Patrol” noong Martes (Abril 27), sinabi ng producer ng mga sikat na pelikulang “Independence Day” at “Godzilla” na hangarin nila sa “Almost Paradise” na maipakita ang husay at kakayahan ng Pilipino.

“Our hope with our show is to not only make a show that people enjoy and show the Philippines in a light that I think is necessary, but also to expose this incredible talent,” ani Dean.

Proyekto ng Electric Entertainment ni Dean at ng ABS-CBN ang “Almost Paradise,” ang kauna-unahang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas. Tampok din dito ang mga Pilipinong aktor at maging mga tao sa likod ng kamera ay mga Pinoy.

Maski ang bida ng palabas na si Christian ay maganda ang karanasan sa kanilang shooting sa Cebu bagong ang pandemya, kung saan naging malapit ang lahat sa isa’t isa.

“We became a family so quick and I'm not talking about just the actors. I'm talking about every single person on that set. This is one of the best crews if not the best crew we’ve ever worked with. Maraming salamat, Kapamilya,” sambit niya.

Samantala, mas tumitindi pa ang aksyon sa “Almost Paradise” na nasa ika-pitong linggo na. Sa darating na episode, biglaang bibisita kay Alex (Christian) ang tiyuhin niyang si Danny, isang manggagantso na siyang nagpalaki sa kanya at nagsama sa kanya sa iba-ibang modus.

Gaganap bilang Danny ang isa pang tanyag na artista mula sa Amerika na si Richard Kind, na nakilala sa mga sitcom na “Mad About You” at “Spin City.” Siya rin ang nagboses kay Bing Bong sa “Inside Out” at kasama rin siya sa iba pang sikat na animated films tulad ng “Toy Story 3,” “A Bug’s Life,” at “Cars.”
 
Nagbago na raw siya at nais lamang bumawi kay Alex kaya siya naroon pero malakas ang kutob ng dating U.S. secret agent na may ibang dahilan kung bakit siya napadpad sa Cebu. Samantala, pinaghahanap naman ng mga detective na sina Ernesto (Art Acuna) at Kai (Samantha Richelle) ang isang indibidwal na nagpapakalat ng pekeng pera. Mayroon ding isang tirador ang nagmamatyag sa kanilang paraisong isla.

Malaman kaya ni Alex ang lihim ni Uncle Danny at matulungan ang mga kaibigan sa bagong kaso? Abangan ang mga sagot sa episode na idinirehe ng Filipino-American filmmaker na si Francis Dela Torre. Tampok din dito ang mga Pilipinong aktor na sina Noel Trinidad, Richard Yap, Poppert Bernadas, Miguel Vasquez, and Rebecca Chuaunsu.
 
Manood ng “Almost Paradise” ngayong Linggo, 8:45 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC, at Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook at YouTube.  
 
Mapapanood rin sa Pilipinas ng paulit-ulit ang pinakabagong episode ng libre sa loob ng pitong araw sa KOL sa YouTube. Sa iWantTFC naman mapapanood ng mga nasa Pilipinas ang iba pang umereng episode sa Ingles at Filipino.  I-follow @AlmostParadiseTV at @AlmostParadisePH sa Facebook. Sundan din ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.