News Releases

English | Tagalog

Inigo, may bagong collab kasama ang international Grammy-nominated artists

April 30, 2021 AT 11 : 53 AM

The island pop track brings an infectious jam that can easily pass as an epic summer anthem.

DJ Flict at Common Kings, mapapakinggan sa bagong single na “Danger”

Sunod-sunod ang international collaboration ni Inigo Pascual na maglulunsad ng bagong single niyang "Danger" kasama naman ngayon ang Fil-Am Grammy-nominated producer na si DJ Flict at kilalang island reggae group na Common Kings na mapapakinggan na simula sa May 14 (Biyernes).

Gaya ng hit single ni Inigo ni "Catching Feelings," talagang mapapaindak ang mga makakarinig ng "Danger" na tiyak na magiging bagong summer anthem. Tungkol ang kanta sa pagkakagusto sa isang matapang na babae.

Ayon sa sumulat at nagprodyus ng kanta na si DJ Flict, na nakatrabaho na ang international artists gaya nina Lauryn Hill, Meghan Trainor, Wiz Khalifa, at Fifth Harmony, ginagawa pa lang niya ang kanta ay naisip na niyang babagay ito kay Inigo.

"Obviously he sounds amazing on it. I’m glad we could do this for the US, the Philippines, and everyone around the world,” aniya.

Kasama rin sa kanta ang Common Kings, isang reggae band na nakasungkit ng Grammy nomination para sa debut album nilang “Lost in Paradise.”

Anila, unang beses pa lang nilang narinig ang kanta ay alam na nilang magiging 'worldwide smash hit' ito. "We can’t wait to perform it worldwide! So much love for the Filipinos all around the world.”

Bago ang "Danger," nag-release si Inigo ng version niya ng “All Out of Love” ng Air Supply at nakibahagi rin sa multi-national song na “Goodbye” ng Korean-American artist na si Annalé kasama ang Brazilian-Japanese guitarist na si Mateus Asato at Malaysian trio na MFMF.

Ang mga international collaboration ni Inigo sa nakalipas na dalawang taon ay magiging bahagi ng kanyang “Options” album na nakatakda nang ilunsad sa June 25 at pwedeng nang ma-pre-order ngayon sa iTunes.

I-pre-save na ang upcoming single nina Inigo, DJ Flict, at Common Kings na “Danger” bago pa ito lumabas sa iba't ibang digital music services sa May 14 (Biyernes). Abangan din ang music video nito sa May 21. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa iba't ibang social media accounts nito @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE