DNA Music artist Kervin Kane reimagined the Tausug song “Ina Ku Kalasahan (Mahal Kong Inay)” in time for Mother's Day.
Kantang Tausug na “Ina Ku Kalasahan,” may bagong remake
Mapapakinggan ang pinaghalong Tausug, Cebuano, at Tagalog lyrics sa bagong kantang inilabas ng Cebuano singer-songwriter na si Kervin Kane, ang pop-rock remake niya ng “
Ina Ku Kalasahan (Mahal Kong Inay).”
Sa kanyang naging panayam sa “Good Time ‘To” digital show ng MOR Entertainment, sinabi ni Kervin Kane na tungkol ito sa isang nanay na maagang namaalam. Aniya, isa itong paalala sa mga listeners na laging magpahayag ng pasasalamat habang kapiling pa ang kanilang mga ina.
Si Mang Takbil ang sumulat ng orihinal na Tausug song, na ngayon ay may dagdag Tagalog at Cebuano lyrics sa bagong bersyon nito. Iprinodyus ni Ryan Sarmiento ang nasabing remake at ini-release naman ng ABS-CBN rock/alternative label na DNA Music.
<>