News Releases

English | Tagalog

"Init sa Magdamag," nanguna sa iWantTFC

May 14, 2021 AT 08 : 56 PM

Parami nang parami ang mga manonood ng primetime serye ng ABS-CBN na “Init Sa Magdamag,” na ngayo’y nangunguna na sa pinakahuling Top Ten most-watched shows sa iWantTFC dahil sa mga kontrobersyal ngunit makatotohanang tema nito. 

Nitong Miyerkules (Mayo 12), pursigido na si Peterson (JM de Guzman) kunin si Tupe (Gerald Anderson) na maging sperm donor sa kagustuhan nitong bumuo ng pamilya, kahit na patuloy ang away nila ni Rita (Yam Concepcion) tungkol sa IVF procedure na rinekomenda ng kanilang doktor.  

 

Nagpresinta pa itong tulungan ang doktor sa hinaing nito laban sa isang minahang nakakaapekto sa kalusugan ng mga tao sa Barangay Talisay.   

  

Samantala, sa kanyang pagtulong sa Barangay Talisay, unti-unti rin aagawin ni Peterson sa may-ari ang nasabing minahan para makuha ang tiwala ng isang negosyanteng maaaring pondohan ang kanyang pagbalik sa pulitika.     

 

Pumayag kaya si Rita sa mga kagustuhan ni Peterson? Ano ang mangyayari sa unti-unting paglalapit nina Rita at Tupe? Sabihin kaya ni Rita kay Tupe ang tungkol sa anak nila?    

  

Noong isang Linggo, naging most viewed naman ang serye sa WeTV iflix.  

 

Mula sa Star Creatives, ang “Init Sa Magdamag” ay nasa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.   

  

Panoorin ang “Init sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel. Mapapanood naman ang advance episodes nito sa iWantTFC at WeTV iflix.   

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.