Nagbabalik ang minahal na children's classic na "Ang Pulubi at ang Prinsesa" kung saan nagsama sina Angelica Panganiban at Camille Prats sa pag-stream ng digitally restored version nito sa Sagip Pelikula Festival sa KTX.ph simula sa Mayo 18 (Martes), 7:30 PM.
Pinanganak sa magkaibang mundo ang dalawang bata—mayaman si Nikka (Angelica) at ulila naman at walang tahanan si Rosalie (Camille). Mag-iisa ang kanilang mundo nang iligtas ni Rosalie si Nikka sa pagkadukot. Para pasalamatan sa tulong niya sa anak, inampon ng ina (Teresa Loyzaga) ni Nikka si Rosalie. Ngunit imbes na pasalamatan, inapi pa ni Nikka si Rosalie.
Bigla namang naglayas si Nikka at sumama kay Rosalie matapos magpakasal ang ina sa kanyang kasintahan. Magbago kaya ang turing ni Rosalie kay Nikka habang sila ay nakikipagsapalaran sa buhay-kalye?
Kasama rin sa pelikula sina Romnick Sarmenta, Sharmaine Arnaiz, Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Emilio Garcia, Eula Valdez, at iba pa.
Dinirihe ni Jerry Lopez Sineneng ang "Ang Pulubi at ang Prinsesa" habang ang kwento nito ay mula kina Elenna Ongkeko, Mari Mariano, at The Project Development Group; at sinulat naman nina Mariano at Sineneng.
Samahan sina Camille Prats, Sharmaine Arnaiz, ang manunulat na si Mari Mariano, at director na Jerry Lopez Sineneng sariwain ang kanilang masayang paggawa ng pelikula sa pre-show na mapapanood bago ang palabas.
Mabibili na ang mga ticket nito sa http://bit.ly/AngPulubiAtAngPrinsesaOnKTX sa halagang P150.
Maliban sa "Ang Pulubi at ang Prinsesa," mapapanood din ng kabataan ngayon ang mga classic family hit ng Star Cinema, tulad ng "Kokey," "Magic Temple," "Cedie," "Hiling," "Sarah... ang Munting Prinsesa," at "Ang TV Movie: The Adarna Adventure" sa KTX simula Mayo 19 (Miyerkules).
Patuloy ang adhikain ng ABS-CBN Film Restoration at ang proyekto nitong Sagip Pelikula na ibalik ang dating ganda ng mga klasikong pelikulang Pilipino. Dahil dito, kinilala na ng ilang award-giving body ang inisyatibo nito, tulad nalang ng makatanggap ito ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), at ng Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).
Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa "Sagip Pelikula," i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).