News Releases

English | Tagalog

"MOMOL Nights" nina Kim at Kit, libre sa iWantTFC

May 19, 2021 AT 11 : 42 AM

Muling paiinitin nina Kim Molina at Kit Thompson ang summer ng iWantTFC subscribers dahil napapanood ngayon nang libre ang hit iWantTFC original movie nilang “MOMOL Nights,” dalawang taon matapos itong unang ipalabas.
 
Siguradong makaka-relate ang viewers sa sexy romantic comedy na ito tungkol sa modern dating at no-strings-attached na mga relasyon. Pumatok sa millennials at viewers ang “MOMOL Nights” noong ipalabas ito noong 2019 dahil sa relatable na kwento, nakakatawang mga banat, at mga aral sa pag-ibig na ibinahagi nito, kaya naman naging isa sa most watched movies ito sa iWantTFC, na noo’y iWant.
 
Susundan nito si Peng (Kim), na makikipag- MOMOL (“make out make out lang”) para maka-move on sa ex-boyfriend niya at si Marco (Kit), isang misteryosong lalaking ayaw sa relasyon. Matapos magkakilala, mag-uumpisa sa MOMOL hanggang sa maging one-night stand ang mamamagitan sa kanila. Pero magiging kumplikado ang lahat dahil aaming may feelings ang isa sa kanila.
 

Bukod sa “MOMOL Nights,” makakakuha rin ng good vibes sa mga libreng pelikula sa iWantTFC, gaya ng “Kung Ayaw Mo, Huwag Mo” nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin at ang barkada movie na “Gimik The Reunion.”
 
Pwede namang balik-balikan ng standard at premium subscribers sa buong mundo ang movies na “Four Sisters and A Wedding” at “Just The Way You Are” nina Liza Soberano at Enrique Gil, at ang kumpletong episodes ng ABS-CBN teleseryes na “On the Wings of Love,” “Be Careful With My Heart,” “Oh My G,” “Got to Believe,” at “My Dear Heart.”
 
Ma-feel good sa panonood ng mga ito sa home of Filipino stories, ang iWantTFC, na available sa app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Mapapanood din ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, piling Samsung Smart TV models, at Android TV. Available na rin ang iWantTFC via chromecast at airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
 
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.